PNP itinanggi na may terror threat sa Metro Manila | Bandera

PNP itinanggi na may terror threat sa Metro Manila

- March 06, 2018 - 03:18 PM

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na hindi dapat magdulot ng pagkaalarma sa mga residente ng Metro Manila ang pagkakaaresto sa isang Maute group sub-leader sa Tondo kamakailan.

Pinawi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao ang mga pangamba na magiging target ang National Capital Region (NCR) matapos ang pagkakahuli sa Maute subleader na si Nasser Lomondot alyas Muhamad Lomondot.

“Pero yung kanyang pagpunta dito sa Manila should not be a cause for alarm for our citizens dahil ang ating Philippine National Police naman and ang AFP (Armed Forces of the Philippines) are on our toes, we are in control of the situation,” sabi ni Bulalacao sa panayam ng Radyo Inquirer.

Noong Lunes, iprinisinta ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa si  Lomondot  sa media sa isang press conference sa Camp Crame.

Naaresto si Lomondot at kanyang misis na si Raisalam Lomondot sa kanilang puwesto ng mga damit sa Recto, Maynila.

Sinabi ni dela Rosa na nakatakas si Lomondot sa kasagsagan ng paglusob ng teroristang Maute noong isang taon. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending