Arestado ang 34 Pilipino at dayuhan sa isang bar sa Makati City, Biyernes ng gabi. Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ang nasabing bilang ng indibidwal dahil sa pag-inom sa bahagi ng Algier Street sa Baranga Poblacion bandang 10:00 ng gabi. Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang Substation – 6, […]
Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Tagbiliran City, Biyernes ng gabi. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng C. Ligason St. Corner CPG East Avenue sa Barangay Bool bandang 6:20 ng gabi. Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto […]
Nagsagawa ng inspeksyon sina Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Manila Mayor Isko Moreno sa Manila Bay beach. Ito ay kasabay pagdaraos ng ika-35 International Coastal Clean-up Day sa araw ng Sabado, September 19. Kasama rin nina Cimatu at Moreno sina Agriculture Secretary William Dar, DOLE Secretary Silvestre Bello, DSWD Secretary Rolando […]
“MAY shooting siya ng digital project po.” Ito ang sagot sa amin ng handler ni Inigo Pascual sa Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kaya hindi available ang singer-actor sa ginanap na virtual mediacon para sa launching ng awiting “Rise” mula sa Tarsier Records. Dito naka-collaborate ng singer sina Sam Concepcion, Grammy Award-winning R&B artist […]
Pumalo na sa mahigit 956,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo. Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 956,438 ang namatay sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit. Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 203,171. Sumunod na rito […]
Halos 4,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas. Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (September 19), umabot na sa 283,460 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa. Sa nasabing bilang, 68,645 ang aktibong kaso. Sinabi ng kagawaran na 3,962 ang bagong napaulat na kaso ng […]