Derek sa pagsasama nila ng GF na si Andrea: 'I'm praying na mapunta na to sa kasalan' | Bandera

Derek sa pagsasama nila ng GF na si Andrea: ‘I’m praying na mapunta na to sa kasalan’

Reggee Bonoan - September 19, 2020 - 06:58 PM

Mula sa Instagram account ni Andrea Torres

Ugong ang chismis na nagli-live in na raw sina Derek Ramsay at girlfriend nitong si Andrea Torres. Matapos na magluwag ang quarantine sa Metro Manila, laging nakikitang magkasama ang dalawa.

Nagpalakas pa sa suspetsa ay noong house tour para sa bagong gawang bahay ng aktor sa Alabang kung saan  nabanggit niya itong “our house” o para sa kanyang future wife.  Hindi naman tinukoy kung sino pero naroon ang aktres kaya talagang papasok sa isipan ng lahat na nagsasama na nga ang dalawa.

Itinanggi naman ito ng dalaga. Para kay Andrea, importanteng may basbas muna ng Diyos bago sila magsama sa iisang bubong. Sa madaling salita, kasal muna.

Paniniwala iyon ni Andrea sa buhay pero nirerespeto niya ang mga couple na nagli-live in.

“I respect yung mga nagli-live in. Pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay,” pahayag ng dalaga sa panayam niya kasama ang katipan sa news program na “24 Oras” nitong Biyernes.

Inamin ni Andrea na madalas silang magkasama ni Derek at katunayan tuwing weekend ay dumadalaw siya sa bahay ng magulang ng aktor.

Ipinaliwanag naman ni Derek kung ano ang tinutukoy niya nang sabihin niyang  “our house.”

“I’ve opened up my doors because they are now part of my family. That’s why I say it’s our house,” anang aktor.

“I was building this house for the next chapter in my life. Hindi ko pa alam na Andrea was gonna come into my life. And I’m so lucky that she did,” ayon pa kay Derek.

Hindi naman itinanggi ng British-born actor-model na nabago ang plano ng bahay niya habang ginagawa ito nang dumating si Andrea sa buhay niya.

“It was in the middle of the whole process na ginagawa ko itong bahay na ito. There were lots of things that were changed because she was in my life now. This is for my future. This is for our future. Itodo na natin ito,” say ni Derek.

Naikuwento naman ni Andrea na isinasama siya ng boyfriend sa pamimili ng furniture para sa bagong gawang bahay.

“Talagang isinama niya ako sa pag-shopping ng furniture. Tinatanong niya kung okey sa akin o hindi. Pagka sinabi ko na ‘Hindi ko masyadong type,’ pinagbibigyan niya ako. Pag mayroon akong love na love, pinagbibigyan din niya ako,” napangiting sabi ng dalaga.

Sa bibig na ni Derek nanggaling na iba ang relasyon nila ngayon ni Andrea.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don’t know why. I don’t like saying that, I don’t like comparing, but this one is so different.”

Isang taon palang ang relasyon nina Derek at Andrea pero nasabi na ng aktor na, “I’m praying na sana mapunta na ito sa kasalan. Siguro in the next two years, it has to happen.”

Anyway, sa tanda namin ay si Solenn Heussaff ang pinakamatagal na relasyon ni Derek, 9 years. Sunod dito ay si Angelica Panganiban, 6 years.

Sina Joanne Villablanca at Cristine Reyes naman ay wala pang isang buwan at nauwi na sa hiwalayan. Katwiran ni Derek: pagod na siya sa paulit-ulit na mga pinag-aawayan at sa tingin niya ay walang patutunguhan ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya abangan hanggang year 2022, kakalembang na nga ba ang kampana para kina Derek at Andrea?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending