Inigo busy para patulan ang mga pasabog ni BB laban kay Papa Piolo | Bandera

Inigo busy para patulan ang mga pasabog ni BB laban kay Papa Piolo

Reggee Bonoan |September 19,2020
facebook
share this

Inigo busy para patulan ang mga pasabog ni BB laban kay Papa Piolo

Reggee Bonoan - September 19, 2020 - 06:03 PM

Screengrab mula sa Instagram ni Inigo Pascual

“MAY shooting siya ng digital project po.”

Ito ang sagot sa amin ng handler ni Inigo Pascual sa Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kaya hindi available ang singer-actor sa ginanap na virtual mediacon para sa launching ng awiting “Rise” mula sa Tarsier Records.

Dito naka-collaborate ng singer sina Sam Concepcion, Grammy Award-winning R&B artist Eric Bellinger, Manila-based producer, Moophs, Malaysian singer-songwriter, Zee Avi, at Black Swan composer, Vince Nantes.

Sadyang inabangan ng mga imbitadong media si Inigo para hingan sana ng reaksyon tungkol sa tatay niyang si Piolo Pascual na idinamay ni BB Gandanghari sa kanyang vlog para diumano’y makahikayat ng subscribers at views sa kanyang YouTube channel.

Nagtagumpay naman dahil maraming nanood at nag-react at dahil dito ay nagsabi ang bagong katauhan ni Rustom Padilla na “may bayad na” ang susunod niyang pasabog.

Maraming hindi pabor kay BB sa ginawa niyang ito dahil nananahimik nga naman si Piolo at abala sa maraming trabaho. Kaya nga ang anak sana niyang si Inigo ang hihingan ng reaksyon, kaso hindi nga siya pumuwede dahil abala rin sa kanyang digital project.

Isa pa sana sa tanong ng lahat ay kung aware si Inigo sa tsikang may Sunday show ang Papa P niya kasama si Catriona Gray sa TV5 na makakatapat ng ASAP kung saan dating isa si Piolo sa host.

Anyway, tagumpay ang “Rise” virtual mediacon ng Tarsier Records na sumabay din sa launching nito sa digital platform nitong Biyernes, Set. 18.

May dalawang klase ng music video ang “Rise”, isang animated na ipapakita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang “2020 monster” at isang kuwento ng mensahe ng pag-asa hatid ng influencers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Tarsier Records ay bahagi ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending