PERA na kinita mula sa trabaho ang pangunahing ginagastos ng pamilyang Pilipino, ayon sa survey ng Social Weather Station. Sa Covid-19 Mobile Survey, 45 porsyento ang nagsabi na ang ginagastos nila ngayon ay galing sa kita mula sa trabaho. Nasa 39 porsyento naman ng nagsabi na ang ginagastos nila ay pera mula sa amelioration. Dalawampu’t […]
NAKAUWI na ang may 19,000 overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang quarantine facilities. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III nasa 5,000 OFW na lamanga ng hinid pa nakakauwi at naghihintay ng masasakyan pabalik sa kanilang mga probinsya. “We are just short by about 5,000 OFWs who are still waiting to be transported back […]
NAARESTO ng pulisya ang no. 2 sa drug priority target ng Moriones Police sa Maynila. Kinilala ang suspek na si Jonathan Poveda, 45, walang trabaho at ng Estero De Magdalena, Brgy. 259, Zone 23, Tondo. Isang buy-bust operation ang inilungsad laban sa suspek alas-8:45 kagabi sa Masangkay st., Brgy 266, Tondo. Nang maaresto ay nakuhanan […]
UMAKYAT na sa 2,845 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Ayon sa Department of Foreign Affairs nadagdagan ng 24 ang bilang ng mga nahawang OFW ngayong araw. Labing-isa naman ang gumaling at may kabuuang bilang na 947. Anim naman ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi na may […]
HALOS 7,000 na ang naisagawang swab test sa community-based testing ng Quezon City. Mula Abril 13 hanggang Mayo 28, 6,904 na ang naisagawang swab test para sa coronavirus disease 2019. Sa mga ito lumabas ang resulta ng 3,557. Sa naturang bilang 377 ang nagpositibo at 3,180 ang nag-negatibo. Nagtayo ang lokal na pamahalaan ng community-based […]
TULAD ng ibang may-ari ng food and resto business, matinding hamon din ang pinagdaraanan ngayon ng mag-asawang negosyanteng sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Hangga’t maaari ay ayaw magtanggal ng empleyado o staff sina Juday sa pag-aari nilang restaurant (Angrydobo) ngayong panahon ng krisis kaya naman humahanap sila ng paraan para masolusyunan ang problema. Naiintindihan […]
BINALAAN ng Bayan Muna si Energy Secretary Alfonso Cusi na mananagot ito kapag itinuloy ang planong pagbili ng P2.8-B na halaga ng shares sa Malampaya consortium ni Dennis Uy dahil hindi umano ito napapanahon. Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmeranes, maituturing na “senseless waste of public funds” ang pagbili ng shares sa harap ng […]
IMBES na magdasal sa labas ng Quiapo Church, pinayuhan ng pamunuan ng simbahan ang mga deboto na sa bahay na lang Muna magdasal upang makaiwas sa Covid-19. Ayon kay Minor Basilica of the Black Nazarene parochial vicar Fr. Douglas Badong, kahit nakakandado ang simbahan ay dinudumog pa rin ito ng mga deboto na nagdarasal at […]