NAARESTO ng pulisya ang no. 2 sa drug priority target ng Moriones Police sa Maynila.
Kinilala ang suspek na si Jonathan Poveda, 45, walang trabaho at ng Estero De Magdalena, Brgy. 259, Zone 23, Tondo.
Isang buy-bust operation ang inilungsad laban sa suspek alas-8:45 kagabi sa Masangkay st., Brgy 266, Tondo.
Nang maaresto ay nakuhanan umano ang suspek ng apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 6.3 gramo at nagkakahalaga ng P40,300.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending