PERA na kinita mula sa trabaho ang pangunahing ginagastos ng pamilyang Pilipino, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa Covid-19 Mobile Survey, 45 porsyento ang nagsabi na ang ginagastos nila ngayon ay galing sa kita mula sa trabaho.
Nasa 39 porsyento naman ng nagsabi na ang ginagastos nila ay pera mula sa amelioration.
Dalawampu’t isa naman ang nagsabi na ang kanilang ginagastos ay personal savings at anim na porsyento ang utang ang perang ginagastos.
Ang mga respondents ay maaaring sumagot ng mahigit isa.
Samantala, hindi naman gumagastos ang anim na porsyento dahil sa natatanggap nilang relief goods at dalawang porsyento naman ang kumukuha ng ani mula sa kanilang tanim.
Ang survey ay ginawa mula Mayo 4-10 at kinuha ang sagot ng 4,010 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.