ISINAILALIM sa quarantine wng mga pari at empleyado ng Basilica del Sto. Niño sa Cebu City bunsod ng pagkalat umano ng Covid-19 sa kumbento. Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Fr. Andres Rivera Jr., OSA, prior provincial ng Province of Sto. Niño de Cebu-Philippines, nadiskubre ang ilang kaso noong Mayo 25. “We have already […]
NADAGDAGAN ng 24 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Ayon sa Department of Foreign Affairs walang bagong naitalang nasawi sa mga OFW. Umabot na sa 340 ang bilang ng mga OFW na nasawi sa COVID-19. Gumaling naman ang 28 OFW na karamihan ay nasa Americas, Asia at Pacific, […]
GAGAWING outpost ng Armed Forces ang dalawang lumang oil rig malapit sa Palawan, para bantayan ang West Philippine Sea. “It will increase our maritime domain awareness and our operational reach,” sabi ni AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. Tinutukoy ni Santos ang plano ng AFP sa Nido at Matinloc platforms, na nasa hilagang-silangan ng Palawan. […]
DINAKIP ang 92 Tsino sa isang motel sa Bacoor, Cavite na ginawang opisina ng POGO. Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang motel makaraan nilang makatanggap ng impormasyon na labas-masok sa motel ang mga Intsik. Tinangka pang tumakas ng mga dayuhan pero nakorner sila ng mga alagad ng batas. […]
PINUNA ng netizens ang dibdib ni KC Concepcion sa kanyang first fan-meet online recently. Agaw-pansin kasi ang boobs ni KC sa suot niyang sleeveless dress with matching mababang breastline. Ipinost ng netizens ang kanilang comment habang nagla-live ang dalaga sa Facebook page ng Cornerstone TV (CSTV). Ang Cornerstone ang tumatayong talent management ni […]
TINATAYANG P5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa isang sunog sa Caloocan City kaninang umaga. Nagsimula ang sunog sa storage area sa ikatlong palapag ng gusali ng Hopewell Sales Corp., sa Gen. Mascardo, Brgy 137, Bagong Barrio, alas-7 ng umaga. Mabilis umanong kumalat ang apoy at naapula ito alas-12 ng tanghali. Walang napaulat na […]
BINALIKAN nina Sharon Cuneta at Pops Fernandez ang kanilang past sa “girl talk” tsikahan sa official YouTube channel ng Concert Queen. Dating schoolmates sa International School sa Pasig City at neighbors sa Dasmariñas Village sa Makati sina Mega at Pops. Kaya napa-throwback sila sa mga nangyari sa buhay nila during their teenage life. […]
MAAARI pa ring magpatupad ng alternative working arrangement ang mga ahensya ng gobyerno kapag ipinatupad na ang General Community Quarantine sa iba’t ibang lugar gaya ng National Capital Region. Ayon sa Civil Service Commission maaari pa ring gamitin ang alternatibong work arrangement sa ilalim ng CSC Memorandum Circular No. 10, s. 2020. Ang mga ito […]
TAGUMPAY ang ginagawang pagpapapayat ni Aiko Melendez habang naka-lockdown dulot ng global health crisis. Usap-usapan sa social media ang mga ipinopost na litrato ng award-winning actress sa kanyang Instagram dahil sa kanyang kaseksihan. Napakalaki na nga ng nabawas sa timbang ni Aiko base sa mga pictures niya ngayon at dahil yan sa kanyang effort kahit […]
SIMULA sa Hunyo 1 ay lifted na ang liquor ban sa Antipolo City. Pero mananatiling bawal pa rin ang pag-inom sa pampublikong lugar. At tanging ang may quarantine pass lamang ang maaaring bumili ng alak. Ipinaalala rin ng lokal na pamahalaan na ipinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit sa 10 katao sa ilalim ng General Community […]