Netizens naiskandalo sa boobs ni KC: Kaloka! Lumuluwa talaga!  | Bandera

Netizens naiskandalo sa boobs ni KC: Kaloka! Lumuluwa talaga! 

Julie Bonifacio |May 30,2020
facebook
share this

Netizens naiskandalo sa boobs ni KC: Kaloka! Lumuluwa talaga! 

Julie Bonifacio - May 30, 2020 - 03:48 PM

PINUNA ng netizens ang dibdib ni  KC  Concepcion sa  kanyang first fan-meet online recently. 

Agaw-pansin kasi ang boobs ni KC sa suot niyang sleeveless dress with matching mababang breastline. 

    Ipinost ng netizens ang kanilang comment  habang  nagla-live ang dalaga sa Facebook page ng Cornerstone TV (CSTV). Ang Cornerstone ang tumatayong  talent management ni KC  ngayon.

   “Why do wear such clothes on cam???  Lumuluwa na boobs mo.”

     “Kaloka. Naka live  nakabuyangyang naman ang hinaharap. Di nahiya.”

    “Umayos ka na muntik mo nang ipinakita ang papaya mo noong nag-message ka for the frontliners. Hindi  nag match sa sinuot mong halos makita ang papaya mo.”

    Ilan lang yan sa mga comment ng netizens na hindi nagustuhan ang  pagpapakita ni KC ng kanyang cleavage.

    Anyway,  namigay ng papremyo si KC sa maswerteng followers, fans, subscribers and supporters na tinawag niyang “fams” na sumali sa kanyang pa-games. 

    Kinabog ni KC  ang ibang celebrities na nagpapa-games online sa prize na ibinigay niya.   Mga mamahaling pre-loved bags lang naman ang premyo ni KC na hindi bababa sa P10,000 ang prize.

      “I prepared for tonight, sa Digital Fan Meet ng Bayan. I present  my KC’s Closet to you guys tonight. Eto ang mga pullout ko from KC’S Closet,” pahayag  niya. 

     Ang KC’s Closet is  what she calls her social enterprise. It’s a website   kung  saan binebenta niya ang mga second-hand pre-loved luxury items  niya like  bags.  Galing daw mismo ang mga items from her  wardrobe.

    “This is  my  first time  to do my  fan meet this year. And also my first time  to do my online fan meet,” sey pa ni KC.

     Isa sa  portion ng fan meet ay ang pagpili  ng  fan na makakatsikahan niya online. At ang maswerteng fan ay isang Pinay na nakatira sa Orlando,  Florida.

     Naging fan daw siya ni KC simula nang  mabalitaan niya ang pagtatagpo ng dalaga at  ng kanyang amang si Gabby Concepcion sa  Amerika. After that, sinubaybayan na niya ang bawat galaw ng aktres at  inalam ang buhay ng eldest daughter ni Megastar Sharon Cuneta.

     Labis na ikinabigla ni KC ay nu’ng  ikinuwento ng fan na  pinuntahan pa niya ang  tinirhang apartment ni KC sa Paris. That was the time na  nag-aaral pa ang mega-daughter sa France.

    Nakita raw ni KC ang piktyur ng fan niya sa harap ng dati niyang  apartment sa Paris at hindi  makapaniwala ang anak ni Mega.

    Shocked naman ang fan nu’ng ibinigay sa kanya ni KC ang kanyang pre-loved red Mochino round purse.

    “I can’t see you right now. But I have a little something for you. This  is one of my favorite  purses and I got it   from Geneva, Switzerland  when I was there. So, I hope you’ll like it,” pahayag ni KC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                            

    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending