Aiko super sexy na uli; body shamer sinupalpal | Bandera

Aiko super sexy na uli; body shamer sinupalpal

Ervin Santiago |May 30,2020
facebook
share this

Aiko super sexy na uli; body shamer sinupalpal

Ervin Santiago - May 30, 2020 - 03:18 PM

Aiko

TAGUMPAY ang ginagawang pagpapapayat ni Aiko Melendez habang naka-lockdown dulot ng global health crisis.

Usap-usapan sa social media ang mga ipinopost na litrato ng award-winning actress sa kanyang Instagram dahil sa kanyang kaseksihan. 

Napakalaki na nga ng nabawas sa timbang ni Aiko base sa mga pictures niya ngayon at dahil yan sa kanyang effort kahit na nasa bahay lang siya at walang trabaho.

Isa sa mga most-liked IG post ni Aiko ay ang litrato niya suot ang gray dress kung saan kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan na may caption na, “The comeback is always greater than the setback.” 

Ang daming nag-congratulate sa balik-alindog program ng aktres at nagsabing mas gumanda at mas naging fresh pa siya ngayon.

Pero as usual, meron pa ring nakalusot na nambasag sa Kapuso actress at mukhang bitter sa katawan niya ngayon.

May isang body shamer ang nagsabing produkto ng siyensya ang pagpayat niya. Anito, “Say thank you to your surgeon.” 

Bwelta naman ni Aiko, “Be happy when the outcome is good. Envy is not good dear. 

“Don’t be sarcastic ‘cause I also worked hard for it. Don’t make unnecessary comments when you don’t know the real story. Just saying,” sabi pa ni Aiko.

Hirit uli ng basher, “Nag diet ka ka pa eh Lipo Lang pala!!! Pls lang I kennnaaaatttt.”

Sa isang comment ni Aiko sinabi niya ang iba pa niyang ginawa para magbawas ng timbang, “Nag calorie count dn ako because lipo is just for shaping not for weight loss dear fyi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ilang fans and IG followers naman ni Aiko ang nag-suggest na sana’y gawan niya ng vlog ang kanyang weight loss journey para mas marami pa siyang ma-inspire, lalo na ang mga working moms na tulad niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending