NAGBABALA ang Banco de Oro sa mga nananamantala sa itinalagang enhanced community quarantine dulot ng pandemic na coronavirus disease o COVID-19. Ginagamit umanong cover ng mga kawatan ang quarantine para himukin ang mga taong mag-beripika ng kanilang mga personal na impormasyon ng kanilang online bank account sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pekeng link na […]
GINAWA ng Diyos sa unang araw ang langit at lupa, sumunod ang kalangitan, lupa’t dagat, damo’t punong kahoy, hayop, isda at ibon at sa pang anim na araw ang tao, si Adan. Nakita ng Diyos na hindi mabuti na mag isa ang tao, kaya pinatulog niya si Adan at kinuha niya ang isang tadyang (ribs) […]
INUTUSAN ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang New People’s Army na palawigin ang pagpapatupad ng sarili nilang tigil-opensiba sa buong bansa, para matugunan ang krisis na dulot ng 2019-Coronavirus disease (COVID-19). Sa isang kalatas, sinabi ng CPP na pinalawig ng Central Committee ang ceasefire hanggang 11:59 ng gabi ng Abril 30, mula sa […]
SA gitna ng mga pag-arestong ginagawa sa mga lumalabag sa Enhanced Community Quarantine, nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development na hindi dapat maiwan na walang kasamang matanda sa bahay ang mga bata. Sinabi ng DSWD na dapat ay agad na matukoy ang mga bata na naiwan na walang kasamang matanda sa bahay para […]
NADAGDAGAN ng 21 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Ayon sa Department of Foreign Affairs may kabuuan ng 757 ang bilang ng mga OFW na nahawa. Tumaas naman sa 103 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit tumaas mula sa 88 kahapon. Nadagdagan naman ng 18 ang […]
TINITIPID ba ng Department of Health ang pagbibigay ng mga testing kit para sa coronavirus disease 2019? Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, dating kalihim ng DoH, dapat magkaroon ng inventory ng mga testing kits na donasyon at binili ng ahensya. “On 14 April, we were supposed to start mass testing. But how can we […]
NAKAPAGBIGAY na umano ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa 282,954 pamilya na maliliit ang kita. Ito ay bukod pa sa 3.7 milyong pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nauna ng nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP). Ayon sa DSWD ang 282,954 […]
MADAMDAMIN ang birthday message ni Dingdong Dantes para sa bunsong anak nila ni Marian Rivera na si Baby Ziggy. One year old na ngayong araw si Ziggy at nagkaroon nga ng simpleng celebration ang Dantes family sa kanilang tahanan. Walang bonggang selebrasyon dahil nga naka-lockdown pa rin ang bansa dulot ni COVID-19 pandemic. Sa kanyang […]
NASUNOG ang apat na bahay sa Parañaque City kanina. Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay na pagmamay-ari ni Nida Corpuz sa Chico st., Sampaloc Site 2, Brgy. BF Homes alas-12:50 ng tanghali. Kumalat ang apoy sa mga katabing bahay. Naapula ang apoy alas-1:38 ng hapon. Tinatayang 10 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Nagkakahalaga […]
Sa dami ng sad news na naririnig at nababasa natin ngayon dahil sa COVID-19 ay uhaw na uhaw na ang sambayanan sa good news. Kaya naman laking tuwa ko nang ibalita sa amin ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra na natanggap na ni dating two-time world boxing champion Luisito Espinosa ang $5,000 […]
BUMABA na ang fatality rate ng coronavirus disease 2019 sa bansa, ayon sa Department of Health. Sa online hearing ng House Defeat Covid-19 Committee (DCC) health cluster, sinabi ni Health Undersecretary Lilibeth David na ang case fatality rate ng bansa ay 6.6 porsyento. Kahapon ang namatay na sa bansa kaugnay ng COVID-19 ay 349. “The […]