Bangko nagbabala, mag-ingat sa 'account verification' scam | Bandera

Bangko nagbabala, mag-ingat sa ‘account verification’ scam

- April 16, 2020 - 09:49 PM

NAGBABALA ang Banco de Oro sa mga nananamantala sa itinalagang enhanced community quarantine dulot ng pandemic na coronavirus disease o COVID-19.

Ginagamit umanong cover ng mga kawatan ang quarantine para himukin ang mga taong mag-beripika ng kanilang mga personal na impormasyon ng kanilang online bank account sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pekeng link na magdadala sa ‘yo sa isang website na kamukhang-kamukha ng website ng bangko.

Dito ay susubukan nilang ipalagay sa iyo ang iba’t ibang detalye gaya ng account number, credit card information, username at password o ‘di kaya ang iyong pin number.

Magagawa na ng mga kawatan na buksan ngayon ang inyong online bank account para nakawin ang inyong pera.

“Muling ipinaalala ng BDO Unibank na hindi nito kailanman hihingin sa mga kliyente na beripikahin ang kanilang bank account. Ang mga lehitimong tauhan ng bangko ay hindi kokontak sa kanila sa pamamagitan ng text, tawag, email, at lalo na sa social media para alamin ang kanilang personal na impormasyon para sa balidasyon ng account.” ani ng BDO

Kasama ng babalang ito ang paglunsad ng #BDOAntiScam kung saan tinutulungan nila ang kanilang mga kliyente na malaman ang iba’t ibang modus na ginagawa ng mga kriminal para makapanloko ng tao, pagbibigay ng mga paalala kung ano ang hindi ginagawa o hinihingi ng isang lehitimong taga-bangko at mga tips para ma-ispatan ang mga pekeng websites.

Hinihikayat naman ang mga kliyenteng na-scam o mga naghihinalang sila ay na-scam na kontakin ang BDO sa pamamagitan kanilang email sa [email protected] o magpadala ng mesahe sa official Facebook page ng BDO Customer Care.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending