DSWD nakapagbigay na ng SAP sa halos 4M pamilya | Bandera

DSWD nakapagbigay na ng SAP sa halos 4M pamilya

Leifbilly Begas - April 16, 2020 - 07:16 PM

NAKAPAGBIGAY na umano ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa 282,954 pamilya na maliliit ang kita.

Ito ay bukod pa sa 3.7 milyong pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nauna ng nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DSWD ang 282,954 pamilya ay nakatanggap ng P1.57 ibilyon o P5,000-P8,000 tulong.

 lKahapon ay naibigay na umano ng DSWD sa 1,239 local government units ang P67.5 bilyon na ipamimigay sa ilalim ng SAP kung saan 18 milyong pamilya ang inaasahang makikinabang.

 Ayon sa DSWD ibinatay nila ang tutulungan sa Listahan 2015 ng ahensya kung saan mayroong 15 milyong poor at near-poor families.

 Ito ay dinagdagan ng 3 milyon batay sa population growth rate data ng Philippines Statistics Authority.

Ang mga wala umano sa inisyal na listahan na inilabas ng DSWD ay maaaring umapela sa Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs) sa loob ng tatlong araw mula sa pagsisimula ng pagbibigay ng Social Amelioration Cards (SAC) sa kanilang barangay.

 Ang LSWDO ang magpapadala ng apela sa DSWD Field Office na magsasagawa ng evaluation sa loob ng tatlong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending