NADAGDAGAN ng 21 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs may kabuuan ng 757 ang bilang ng mga OFW na nahawa.
Tumaas naman sa 103 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit tumaas mula sa 88 kahapon.
Nadagdagan naman ng 18 ang mga gumaling o kabuuang 240 pasyente.
Nagpapagaling naman ang 414 OFW.
Ang mga nahawang OFW ay nakakalat sa 41 bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending