SANGKATUTAK na mga relo sa Greenhills ang binili ng isang mambabatas para sa kanyang mga paboritong barangay chairman. Sinabi ng aking cricket na ito ang nakitang paraan ni Sir para makuha ang kiliti ng kanyang mga constituents. Noong nagdaang halalan ay mga branded na men’s watch ang ipinamigay niya sa ilan sa kanyang mga political […]
NAGSIMULA nang ayusin ng isang dating mag-asawa ang hatian ng kanilang mga kayananan makaraan silang magdesisyon na maghiwalay. Lolo’t lola na ang mga bida sa ating kwento ngayong araw pero parang mga bata kung sila ay mag-away. Si Sir ay galing sa isang kilalang political clan sa bansa samantalang si Madam naman ay naging pinuno […]
ISANG people power ang napipintong maganap sa isang lugar sa lungsod ng Maynila. Ito ay makaraang magbukas ang isang establisimento roon na ang buong akala nila ay magdadala ng magandang serbisyo para sa mga residente ng Sta. Ana. Pero imbes na biyaya ay isang malaking problema ang nakikita ng mga residente sa lugar sa pagbubukas […]
KAMAKAILAN ay naging laman ng mga balita ang umano’y relasyon ng ilang mga negosyante sa ilang kilalang personalidad sa showbiz. Hindi naman mga gwapo o kaya’y matitikas tingnan pero nakakasungkit pa rin sila ng mga magagandang babae sa showbiz. Ang kanilang sikreto….sangkatutak na pera….pera at wala nang iba. Ito rin ang puhunan ng isang opisyal […]
INABOT ng patong-patong na pagsubok ang isang dating opisyal ng gobyerno na sinasabing nagpayaman noong siya ay nakapwesto sa isang makapangyarihang tanggapan sa pamahalaan. Bukod kasi sa sangkatutak na mga kaso ng katiwalian ay isa-isa na ring nawala ang ilang mga dating kaibigan na nabigyan niya ng pabor. Sinabi ng aking cricket na naibenta na […]
NGAYON pa lang ay naghahanda na ang isang sikat na pulitiko para sa kanyang plano sa 2022. Sinabi ng aking cricket na bukod sa pag-iipon ng pera para patakbuhin ang kanyang political machinery ay gumagalaw na rin ang ating bida para higit pa siyang makilala ng voting public. Ito ay sa kabila ng kanyang pagiging […]
DAHIL bigo na makakuha ng pwesto sa administrasyong Duterte ay nagtitiyaga na lamang muna sa ngayon sa pagiging alalay ng isang pulitiko ang isang dating sikat na showbiz personality. Sinabi ng aking cricket sa Senado na ang dating aktor daw ang madalas na ginagawang kinatawan ng isang mambabatas sa ilan sa kanyang mga engagements. Dahil […]
HANGGANG ngayon ay hindi pa nakatatanggap man lang ng tulong mula sa pamunuan ng isang hotel chain ang mga kaanak ng dalawang namatay na empleyado sa isang trahedya na naganap sa Maynila kamakailan. Sinabi ng aking cricket sa Manila City Hall na tanging tulong lamang mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang natanggap ng […]
IBANG lord at hindi drug lord ang kilalang source ng sports utility vehicles (SUV) ng ilang pulis at iba pang law enforcement agents sa Central Luzon. Open secret na namimigay ng SUV ang ating bida lalo na noong kainitan ng kanyang ilegal na gawain. Hindi drugs kundi sugal ang kanyang raket kung saan bukod sa […]
MAKARAANG masangkot sa isang masalimuot na isyu ay isa na namang kontrobersiya ang pinasok ng isang young actress. Usap-usapan ngayon sa isang lugar ng mga mayayaman sa Eastern part ng Metro Manila ang malaking condo unit ng ating bida. Sinabi ng aking tsismosang cricket na bukod sa malaki ang unit ng aktres ay may swimming […]
NAKURYENTE o ibig sabihin ay pumalpak sa kanyang pasabog na isyu ang isang mambabatas. Ang resulta…kaliwa’t kanang batikos ang inaabot niya ngayon sa mga kapwa legislator dahil sa kanyang maling akusasyon. Sinabi ng ating cricket na isa ring mambabatas na naghahanda na sa taong 2022 ang ating bida dahil talagang pangarap niyang maging pangulo ng […]