Aktor pumapart-time bilang ‘representative’ ng senador | Bandera

Aktor pumapart-time bilang ‘representative’ ng senador

Den Macaranas - October 11, 2019 - 12:15 AM

DAHIL bigo na makakuha ng pwesto sa administrasyong Duterte ay nagtitiyaga na lamang muna sa ngayon sa pagiging alalay ng isang pulitiko ang isang dating sikat na showbiz personality.

Sinabi ng aking cricket sa Senado na ang dating aktor daw ang madalas na ginagawang kinatawan ng isang mambabatas sa ilan sa kanyang mga engagements.

Dahil laging busy at puno ang schedule ng isang senador kung kaya si aktor muna ang kanyang nagsisilbing wing man lalo na sa mga imbitasyon na galing sa mga lalawigan.

Dating sikat pero inabutan na ng pagkalaos ang ating bida kaya no choice siya kundi dumikit sa isang sikat na pulitiko para hindi siya mawala sa eksena, ‘ ika nga.

Kilala rin ang ating bida na lapitin ng mga mayayamang matrona pero hindi na siya in-demand ngayon dahil isa na rin siyang lolo.

Pati ang ilan sa kanyang mga nakarelas-yong negosyante ay walang masabing maganda tungkol sa kanya dahil alam nilang pera lang ang laging habol ng ating bida.

Sayang at magaling sanang aktor ang bida natin ngayong araw pero hindi niya napaghandaan ang kanyng future dahil sa pag-aakalang mananatili siyang sikat habambuhay.

Ilang beses na rin naman siyang sumubok na tumakbo sa iba’t ibang pwesto sa pulitika pero laging olats ang ating bida.

Kamakailan ay naging laman siya ng social media dahil sa pagsa-shopping sa abroad na ginastusan ng pulitikong dinidikitan niya.

Hindi na kailangan ng madaling clue dahil kapangalan niya ang isang kilalang brand ng sigarilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending