Sikat na personality naghahanda na para sa 2022 | Bandera

Sikat na personality naghahanda na para sa 2022

Den Macaranas |October 18,2019
facebook
share this

Sikat na personality naghahanda na para sa 2022

Den Macaranas - October 18, 2019 - 12:15 AM

NGAYON pa lang ay naghahanda na ang isang sikat na pulitiko para sa kanyang plano sa 2022.

Sinabi ng aking cricket na bukod sa pag-iipon ng pera para patakbuhin ang kanyang political machinery ay gumagalaw na rin ang ating bida para higit pa siyang makilala ng voting public.

Ito ay sa kabila ng kanyang pagiging popular hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo.

Noon pa man ay marami na siyang gustong patunayan kaya lahat na yata ay gusto niyang pasukin para lamang ipakita na siya’y isang tunay na “hero”.

Bukod sa sports at pulitika, sinubukan na rin niya pati ang showbiz at pagkanta, pati na rin pagiging taong simbahan ay sinabak na rin niya.

Bagaman sinasabi ng ilan na wala na siyang dapat patunayan, para sa ating bida ay walang dahilan para hindi niya abutin ang kanyang mga pa-ngarap dahil sa totoo lang may pusong palaban si sir.
Ayon pa sa ating cricket, maraming kumakausap sa tinutukoy nating pulitiko para ma-ging bahagi siya ng kanilang political party pero pinapanatili nito ang pumagitna muna sa nasabing mga grupo.

Bagaman kaalyado siya ng kasalukuyang administrasyon ay pwede rin naman siyang kumalas dito kapag hindi siya kinuha bilang isa sa mga pambato sa halalan sa 2022.

Bagama’t ang kanyang target ay ang posisyon bilang pangalawang pangulo, chika ng aking cricket na ang palulutangin niyang balita ay tatakbo siya bilang presidente ng bansa.

Guguluhin niya ang tabakuhan ng mga political parties, ayon pa sa aking cricket.

Hindi na kailangan ang mahabang pasakalye sa ating bida dahil siya ay sikat at maraming “Money”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending