Mr. Legislator nakuryente sa sariling pakulo | Bandera

Mr. Legislator nakuryente sa sariling pakulo

Den Macaranas |September 27,2019
facebook
share this

Mr. Legislator nakuryente sa sariling pakulo

Den Macaranas - September 27, 2019 - 12:15 AM

NAKURYENTE o ibig sabihin ay pumalpak sa kanyang pasabog na isyu ang isang mambabatas.

Ang resulta…kaliwa’t kanang batikos ang inaabot niya ngayon sa mga kapwa legislator dahil sa kanyang maling akusasyon.

Sinabi ng ating cricket na isa ring mambabatas na naghahanda na sa taong 2022 ang ating bida dahil talagang pangarap niyang maging pangulo ng bansa.

Iyun ang dahilan kaya sa lahat ng mga isyu ay laging nakikisawsaw itong si Mr. Legislator.

Pinakahuli sa kanyang pakulo ay ang expose kuno ay ang pagiging mukhang pera ng mga kapwa niya mambabatas na naglalaway sa ating national budget.

Meron daw siyang mga source at ebidensiyang hawak sa kanyang mga akusasyon.

Pero nang hamunin siya na ilabas ito ay nganga lang ang ating bida.

Sa halos lahat ng isyu ay may reaksyon si Sir pero kapag nahahalungkat ang pagkakasangkot ng anak niya sa smuggling activities sa Customs ay tikom na ang bibig ni Sir.

Dahil sa kanyang pagiging matabil ay hindi tuloy mapigil maghinala ng ilan na mukha ngang totoo ang tsismis na may pagka-barakikay o bading ang ating bida.

Ang mambabatas na mahilig makisawsaw sa mga isyu pero nang hamuning maglabas ng ebidensya ay wala namang maipakita ay si Mr. L…as in Legislator.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending