Young actress niregaluhan ng condo unit ng bizman | Bandera

Young actress niregaluhan ng condo unit ng bizman

Den Macaranas |October 02,2019
facebook
share this

Young actress niregaluhan ng condo unit ng bizman

Den Macaranas - October 02, 2019 - 12:15 AM

MAKARAANG masangkot sa isang masalimuot na isyu ay isa na namang kontrobersiya ang
pinasok ng isang young actress.
Usap-usapan ngayon sa isang lugar ng mga mayayaman sa Eastern part ng Metro Manila ang malaking condo unit ng ating bida.
Sinabi ng aking tsismosang cricket na bukod sa malaki ang unit ng aktres ay may swimming pool pa itong sarili.
Posible ito dahil penthouse ang unit ng ating bida.
Sinabi ng aking cricket na hindi raw bababa sa P25 milyon ang unit ng aktres kung saan ang view ng kanyang kwarto ay fairway ng isang kilalang golf club.
At ito ang chika, hindi raw umano binili at lalong hindi nag-loan ang aktres para sa nasabing unit dahil “gift” ito sa kanya ng isang bilyonaryong negosyante.
Bagaman halos maglolo na lamang sila ay talagang nabighani raw si Mr. Businessman sa aktres na totoo namang maganda kahit na medyo may pagkamaldita.
Hindi na bago sa mga kontrobersya ang actress dahil sa dami ng kanyang mga pinag-daanang isyu.
Idinagdag pa ng aking cricket na bata pa lamang ang actress ay sanay na ito sa mga iskandalo dahil “it runs in the family” ika nga.
Beterano na rin sa mga ganitong sitwasyon ang kanyang pamilya na hindi na kailangan ng mabigat na clue para mahulaan ang ating bida.
Ang aktres na binigyan ng isang mamahaling condo unit malapit sa isang kilalang golf course ay si Miss B as in beautiful.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending