Self-made billionaire huli ni misis na may chiching | Bandera

Self-made billionaire huli ni misis na may chiching

Den Macaranas |October 25,2019
facebook
share this

Self-made billionaire huli ni misis na may chiching

Den Macaranas - October 25, 2019 - 12:15 AM

KAMAKAILAN ay naging laman ng mga balita ang umano’y relasyon ng ilang mga negosyante sa ilang kilalang personalidad sa showbiz.

Hindi naman mga gwapo o kaya’y matitikas tingnan pero nakakasungkit pa rin sila ng mga magagandang babae sa showbiz.

Ang kanilang sikreto….sangkatutak na pera….pera at wala nang iba.

Ito rin ang puhunan ng isang opisyal ng pamahalaan na kamakailan lamang ay nabisto ng kanyang misis na mayroon siyang ibinahay na “chiching”.

Sinabi ng aking madaldal na cricket na sa ibaba lamang ng kanyang condo unit nakatira ngayon ang kanyang magandang other woman.

Bakit nga naman lalayo pa kung pwede namang itira sa lugar na accessible sa kanya.

Pero hindi rin ito nagtagal dahil nabisto ni misis ang secret ni Sir kaya kaagad na nag-alsa balutan ang magandang chiching.

Sa pag-iimbestiga ni misis ay nabisto rin niya na nabigyan pala ng gasolinahan ang nasabing kulasisi ni Mr. Government Official.

Ang bida sa ating kwento ay isa sa mga kilalang opisyal ng ating pamahalaan na nakilala bilang isang self-made millionaire kundiman bilyonaryo.

Ang opisyal ng gobyerno na nabisto mismo ng kanyang misis dahil sa ibinahay na chiching ay si Mr. A…as in Article.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending