Si Cong namumudmod ng pekeng relo

By Den Macaranas November 06,2019
share this

Si Cong namumudmod ng pekeng relo

By Den Macaranas November 06,2019
share this

SANGKATUTAK na mga relo sa Greenhills ang binili ng isang mambabatas para sa kanyang mga paboritong barangay chairman.

Sinabi ng aking cricket na ito ang nakitang paraan ni Sir para makuha ang kiliti ng kanyang mga constituents.

Noong nagdaang halalan ay mga branded na men’s watch ang ipinamigay niya sa ilan sa kanyang mga political leaders sa kanilang lalawigan sa Northern Luzon.

Tuwang-tuwa raw ang mga ito dahil ang buong akala nila ay talagang orig ito at galing sa abroad.

Ang madalas kasing sabihin ni Cong ay galing sa Hong Kong ang kanyang ipinamimigay na relo samantalang ang katotohanan ay galing lamang ito sa San Juan City.

Hindi rin ito orig kundi “triple A” lamang na nabili niya sa halagang P2,000 hanggang P4,000 o minsan depende na rin sa quality.

Ang style umano ni Cong ay isusuot muna nya ang relo sa pagdalo niya sa mga meeting.

Kapag may nakita siyang isa sa kanyang mga supporter na walang suot na relo ay kaagad daw niyang huhubarin ito at ibibigay bilang isang regalo.

Kapag nabubuko na jafake pala ang ipinamimiga, at kapag kinakantyawan ng mga kaibigan ang palaging sagot ni Cong ay “it’s the thought that counts.”

Ang mambabatas na ngayon pa lang ay namili na ng mga “triple A” o replica watches bilang pamaskong regalo sa ilang mga tagasuporta ay si Cong. C…as in Cong. Concord.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending