Ex-couple nagkaayusan, nagkahatian na ng yaman | Bandera

Ex-couple nagkaayusan, nagkahatian na ng yaman

Den Macaranas |November 01,2019
facebook
share this

Ex-couple nagkaayusan, nagkahatian na ng yaman

Den Macaranas - November 01, 2019 - 12:15 AM

NAGSIMULA nang ayusin ng isang dating mag-asawa ang hatian ng kanilang mga kayananan makaraan silang magdesisyon na maghiwalay.

Lolo’t lola na ang mga bida sa ating kwento ngayong araw pero parang mga bata kung sila ay mag-away.

Si Sir ay galing sa isang kilalang political clan sa bansa samantalang si Madam naman ay naging pinuno noon ng isang lalawigan sa Luzon.

Ilang beses na ring naging laman ng blind item si Madam lalo na noong magkarelasyon sila ng kanyang bodyguard na isang bumbero.

Ngayon ay isang honorary consul ang sinasabing boyfriend ni Madam at proud siya rito.

Bilang patunay ay lantaran na at hindi na niya itinatago ang kanilang relasyon.

Si Sir na bagamat mayaman ay sobra naman sa pagiging sugarol kaya hindi maalis isipin ng aking cricket na baka iyon ang dahilan kaya ito kinasuhan ng katiwalian mula sa kanyang mga naging pwesto sa pamahalaan.

Ilang beses na ring namagitan sa mag-asawa ang kanilang mga anak pero talagang desidido na ang dalawa na magkanya-kanya na ng landas.

Sa isang mamahaling condo sa Makati City kasalukuyang nakatira si Madam samantalang nanatili naman sa kanilang mansion sa loob ng isang gated subdivision na hindi kalayuan nakatira si Sir.

Ang mag-asawang nagsolian na ng kani-kanilang wedding rings ay sina Mr. P….as in Palito, at Madam T….as in Tinikling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending