HUWAG padadala sa kayabangan. Ito ang mensahe ng Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Fil 2:1-4; Sal 131:1-3; Lc 14:12-14) sa Lunes sa ika-31 linggo ng taon. Marami na’ng napariwara at napahiya sa kayabangan. Sa smuggling sa Customs, ang mayayabang na sina Duterte at Aquino ay sinampal ng kahihiyan. Tila walang hiya na ang ating […]
MAPALAD ang nagluluksa sapagkat may ginhawang nakalaan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 7:2-4, 9-14; Sal 24:1-6; 1 Jn 3:1-3; Mt 5:1-12) sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal. Walang suwerte o itinadhana. Ang kinasadlakan, o narating, ay pinili ng bawat isa, mayaman o mahirap. Ito ang pagbubukas-isipan ng bokasyong sick and the dying […]
MAKITID ang mundo kung nakatutok lang sa pera ang ugnayan sa tao. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ef 2:1-10; Sal 100:1-5; Lc 12:13-21) sa paggunita kay San Juan Pablo II, papa, Lunes sa ika-29 ng linggo ng taon. Hindi na itinuloy ng mga riders at may-ari ng MC repair shops ang anim na buwan balak […]
PINALALAYAS ni Jesus ang demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo? Iyan ang tanong sa Pagninilay sa Ebanghelyo (Gal 3:7-14; Sal 111:1-6; Lk 11:15-26) sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Pilar (Zamboanga). Bilang mag-aaral ng exorcism mula sa gabay ng mga paring Jocis Syquia, Winston Cabading, Jojo Cerudo, Bobby de la Cruz, Dan […]
ANG lahat ng pagkilos ay DDD (dapat dalhin sa dasal). Ang DDD ay may ibubungang pagkilos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gal 1:13-24; Sal 139: 1-3, 13-15; Lc 10:38-42) sa Paggunita kina San Denis, obispo, at mga kasamang martir; at San Juan Leonardo, pari. Lahat ng pagkilos ng gobyerno para sagipin ang mahihirap at arawang […]
BAKIT hindi ako iniluwal na agas, gaya ng ibang di nasilayan ang liwanag? Doo’y walang nanliligalig na tampalasan, doon namamahinga ang nanlulupay. Iyan ang Pinagnilayan sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Job 3:1-3, 11-17, 20-23; Sal 88:10-15; Mt 18:1-5, 10) sa Paggunita sa Mga Banal ng Anghel na Tagatanod. Sa sumpa sa araw ng kapanganakan, inuulit […]
HUWAG sabihing mas magaling ka. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Kar 2:12, 17-20; Sal 54:3-8, Jaime 3:16; Jaime 4:3; Mc 9:30-37) sa ika-25 Linggo ng karaniwang panahon. Piliin, at unahin, muna ang tatlong tinamaan ng kidlat (talinhagang sumasapit kapag dumilim ang kalangitan): Uson, Olivar, Trillanes. Ang akala nila’y magagaling sila. Pero, higit na magaling ang […]
MAS makasasama kesa makabubuti ang hidwaan. Kailangan pa palang magkaroon ng paghahati upang makilala ang mga tunay at subok na. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Cor 11:17-26, 33; Sal 40: 7-10, 17; Lc 7:1-10) sa Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo’t pantas ng simbahan. Watak na diskarte sa krisis; sa pamilya, […]
WALA munang Pagninilay sa Unang Pagbasa’t Salmo dahil masakit ang biro ni Fr. Noel Gatchalian sa Misa para sa rebeldeng Antonio Trillanes 4. Di ko mapalalagpas ang kahihiyan, na umani ng pandudusta, sa ipinagpipitagang mga paring SVD (tinitingala ko sina Jerome Marquez, na itinaas sa provincial; Jerry Orbos at Bel San Luis). Sa mga Linggo […]
MAY misteryosong balak ang Diyos sa suliranin ng mga pari? Iyan ang tanong sa Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Cor 2:1-5, Sal 119:97-102; Lc 4:16-30) sa paggunita kay San Gregorio Magno (Great), papa at pantas ng simbahan. Lugmok sa panghuhusga’t pandudusta ang mga paring Katoliko sa Pinas dahil sa mga kinatawan ni Kristo […]
HUWAG kayong palinlang kaninuman, sa anumang paraan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Tes 2:1-3, 14-17; Sal 96:10-13; Mt 23:23-26) sa paggunita kay San Agustin, obispo’t pantas ng simbahan. Taon 50 nang dumating si Pablo sa Tesalonika, kapitolyo ng Macedonia at nakita niya ang malawakang panlilinlang. Taon 2018, si San Pablo ay […]