HUWAG kayong palinlang kaninuman, sa anumang paraan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Tes 2:1-3, 14-17; Sal 96:10-13; Mt 23:23-26) sa paggunita kay San Agustin, obispo’t pantas ng simbahan.
Taon 50 nang dumating si Pablo sa Tesalonika, kapitolyo ng Macedonia at nakita niya ang malawakang panlilinlang. Taon 2018, si San Pablo ay makapangyarihang gabay sa Misa, mula sa langit, at mas lumala ang panlilinlang sa bigas sa Pinas. Di naman masalimuot na negosyo ang bigas (P50,000 puhunan ngayon, puwede na), di tulad ng stock market at banko. Pero, ngayon lamang nangyari ang sistematikong panlilinlang sa bigas, na ang pakay na biktima ay mahihirap at arawang obrero.
Ang sabi sa Ingles, “depression is triggered by emptiness.” Kawalan. Pero pag oras-oras ay walang laman ang wallet ng mahihirap, gagawa siya ng ilegal, o matuturete at, sa sukdulan, magpapakamatay. Ayon sa tala ng gobyerno, ang Pinas ang may pinakamarating bilang ng turete sanhi ng depresyon. Nakita ko ito nang muli kong dalawin ang ilang pamilya kariton, bangketa at tulay na aking binanggit sa nakalipas na mga kolum. Ang isang pamilya, rugby ang lunas sa gutom.
Ayon sa WHO, ang bilang ng suicide sa Pinas ay “under-reported,” pero mataas. Kung sina Duterte, Nograles at Pinol ay kakain ng kaninbaw sa limang araw (3x/day), matuturete na rin sila; at di pa sila nagra-rugby at shabu. Magagalit si Roque at pabubulaanan ito. Masarap kasi ang medium rare at mash potatoes (walang bigas).
Si cong ay di kumakain ng kanin. Ayaw ng carbs. Kaya nang hainan ng inasal, di niya kinain ang kanin. Ang kinain ay ang manok, na ang tawag niya ay bird. Cong, alam naman ng mga tsismoso at tsismosang media na mahilig ka sa bird at birdie. Sa socmed? MylepsRseld.
Isang matalinong (daw) pahayag sa gobyernong Duterte ay bababa raw ang inflation bago mag-Pasko. Gunggong ang matalinong ito. Namamatay ang mahihirap na pasyente sa ospital sa Tala, NC dahil walang pambili ng gamot. Ang pera ay ipinambili ng pagkain at ibinayad sa tricycle (min. P50). Asikaso nina Oca at Along Malapitan ang mahihirap sa Tala, pero hindi ang kanilang mga gamot, na wala sa pharmacy. Hindi pangunahing pangangailangan ang mga gamot sa ER at wards? Iyan ang isang epekto ng inflation sa mahihirap, wala pa ang kuwenta ng kabaong at libing.
Welcome ng normal people sa NC (North Caloocan) ang de-ranggong policewoman. Nang siya ay magtrabaho, sunud-sunod ang adik, pusher at magnanakaw na kinokolekta sa kalye at pathwalk ng punerarya. Walang bayag siya dahil babae nga. Pero may bayag siya kesa mga lalaking pulis na walang bayag. Sige mam, ipagtatanggol kita.
Matagal nang talamak ang marijuana at shabu sa Barangay Tugatog, Malabon, MM. Ngayon, mabubuking ang mga opisyal ng barangay na walang ginawa kontra droga. Merong de-tungkulin na silahis o bakla. Kung narinig mo ang sinabi ni SAP Bong Go, baka magpapakalalaki ka na dahil mismong mga boys mo ang magsusumbong kay Go.
UST (Usaping Senior sa Talakayan, Bagong Silang, Plaridel, Bulacan): Umiigting ang debate kung angkop ba ang mga kapilya ng dalanginan sa malls? Ang millenials ay sa malls na nagsisimba. Unti-unti nang nababawasan ang senior citizens sa mga parokya at sa malls na rin nagsisimba. Inilalapit lang daw sa taumbayan ang mga kapilya sa malls. O hamon ito sa mga pari para paigtingin ang ugnayan at homilia sa mga parokya para di na lilipat ang mga nagsisimba (tulad sa National Shrine of the Divine Mercy)?
PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Tulay na Bato, Paombong, Bulacan): Ano ang kaibahan sa lasing sa pasilyo’t lasing na pari? Ang lasing sa pasilyo ay nagiging mayabang, maingay at manganganta. Ang lasing na pari (mga kilala ko sa Diocese of Malolos) ay inaalala pa rin ang Diyos, nagpapasalamat, matutulog (1 Cor 10:31)
PANALANGIN: Matatag ang daigdig, di mayayanig, kung sa Panginoon panig. Sal 96:10
MULA sa bayan (0916-5401958): Duterte, Nograles at Pinol: 3 Mindanaoan na di nakatutulong sa amin. Murang bigas lang naman ang hingi namin. …7443, Cawit, Zambo City
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.