Demonyo sa altar | Bandera

Demonyo sa altar

Lito Bautista |October 19,2018
facebook
share this

Demonyo sa altar

Lito Bautista - October 19, 2018 - 12:10 AM

PINALALAYAS ni Jesus ang demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo? Iyan ang tanong sa Pagninilay sa Ebanghelyo (Gal 3:7-14; Sal 111:1-6; Lk 11:15-26) sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Pilar (Zamboanga).

Bilang mag-aaral ng exorcism mula sa gabay ng mga paring Jocis Syquia, Winston Cabading, Jojo Cerudo, Bobby de la Cruz, Dan Estacio at may akdang sina Gabriele Amorth (SSP) at Passionist Candido Amantini (GenSan ang teritoryo ng Passionists sa Pinas), wala sa pangamba na pasukin ng demonyo ang tanyag na healing priest sa kanyang Misa sa isa sa tatlong national shrines (Birhen Fatima, Santa Ana at Banal na Awa) sa Diocese of Malolos sa kapistahan mismo ng Tatlong Arkanghel.

Saglit akong natulala, pati na ang lay ministers at lectors/commentators pero pangkalahatang nagdasal ng deliverance prayers dahil di ko dala ang Catholic Handbook. Ang pangunahing mga dasal sa Handbook ay Prayer for Protecton, Memorare (O piissima Virgo Maria, non esse auditum a saeculo, quemquam ad tua currentem praesidia, tua implorantem auxilia, tua petentem suffragia, esse derelictum. Ego tali animatus confidentia, ad te, Virgo Virginum, Mater, curro, ad te venio, coram te gemens peccator assisto.

Noli, Mater Verbi, verba mea despicere; sed audi propitia et exaudi. Amen), Salve Regina (Salve, Regina, mater misericordiae; vita, dulcedo et spes nostra, salve. Ad te clamamus exsules filii Hevae. Ad te suspiramus gementes et flentes in hac lacrimarum valle. Eia ergo, advocata nostra, illos tuos misericordes oculos ad nos converte. Et Iesum, benedictum fructum ventris tui, nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, o pia, o dulcis Virgo Maria) tatlong dasal kay San Miguel at spiritual warfare prayers.

Sa homilia, iginiit ng pari ang pitong arkanghel, taliwas sa ipinagdiriwang na kapistahan ng tatlong Arkanghel. Sa Biblia, tatlo lang. Sa individual pray over (usal ang dasal ng Espiritu Santo), nagtaka ako kung paano nakaakyat sa mataas na hagdan ng altar ang octogenarian, na halos sudsod at bilang na ang hakbang.

Saglit siyang nawalan ng malay pagkatapos “daluyan” ng espiritu; di lumapat ang likod sa sahig at agad na nagka-ulirat; di nalubos ang salo ng catcher.

Saglit na umalis ang pari at bumaba sa sakristiya sa ilalim ng mataas na altar. Sumuka (diabolic ailment) ang pari. Nanlamig. Nanginig. Nasapian ng demonyo. Nagdasal. Muling umakyat sa mataas na altar at nagpatuloy ng pray over sa mga may sakit. Matindi rin ang dasal ng mga nakauunawa sa exorcism. Wala akong mahanap na exorcised salt, pero natagpuan ko ang exorcised holy water. Hindi muna pinag-usapan ang insidente, pero tinalakay ng ilan sa sumunod na healing Mass.

Di lahat ng pari ay malakas para lumaban sa demonyo. Natatalo rin sila tulad ng nangyari kay Santo Padre Pio ng Pietrelcina. Magtatagumpay lamang sila kung hihingin ang awa at tulong ni Maria. Maraming paring Pinoy na idinawit sa akusasyong sekswal ay mula sa mga parokyang di gaanong tampok si Maria.

UST (Usaping Senior at Talakayan sa Parulan, Plaridel, Bulacan): Napag-usapan ang presyo noong ’60s. Isa-isang nag-alisan ang nakikinig na hindi senior. Ang dalawang kabataan ay naglabas ng gadgets. Lingid sa kanilang kaalaman, ang UST ay bahagi ng therapy ng matatanda, lalo pa’t may kasamang geriatric doc ang talakayan. Para di “masakit sa ulo,” presyo lang binalikan: pamasahe, goto-torwa’t baboy, machacao, maging ang mga presyo sa Santa Ana Cabaret at Harbor Lights sa South Harbor, kasama na ang babae.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-ugnayan sa Poblacion 1, San Jose del Monte City, Bulacan): Ang tunay na pagkakaibigan ay para sa dalawang tao lamang. Maraming kaibigan? Di nila tinulungan ang pamilya Marcos, si GMA, Renato Corona, atbp, nang usigin ng media at tanguan ng taumbayan. Kaibigan ba ang kainuman, kabarilan, maging mga kamag-anak at kapamilya? Ang pagkakaibigan ay di ibinabase sa emosyon, na madalas ay mali. Ang pagkakaibigan ay base sa nais ng Diyos. Kung di alam ang nais ng Diyos, di ka nag-aral kung sino Siya.

PANALANGIN: San Miguel, harangan mo ng iyong sundang ang pinto ng simbahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ayaw talaga ni Inday na mag-cong. Sayang. Di represented ang distrito. …1870, Dadiangas North, GenSan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending