GAANO ba ang takot natin kapag wala na tayo sa puwesto’t kapangyarihan? Bababa’t mawawala rin tayo sa puwesto’t kapangyarihan, tulad ng pinangangambahan ng lahat na mamamatay din tayo sa kasalukuyang buhay, kamumuhian o mawawala ang pangalan at iiwanan ang kayamanan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gn 17:3-9; Slm 105:4-5, 6-7, 8-9; Jn 8:51-59), sa ikalimang […]
MAHIRAP maging patas sa paghusga, dahil may mga motibo sa bawat paghuhusga. Ang paghuhukom ay di base sa sariling kapakanan. Higit na kahindik-hindik ay ang paghusga nang dahil sa kakulangan sa kaalaman. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 49:8-15; Slm 145; Jn 5:17-30) noong Miyerkules, sa ikaapat na linggo ng Kuwaresma. Martes nang ibaba ng […]
ANG batas ay di dapat nananakot at sumusupil. Bagkus, ito’y nagbibigay ng liwanag, lalo na sa aba. Ang pagsunod sa batas ay di dapat humantong sa kapalaluan at pagkawala ng dangal ng mahihirap. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dt 4:1, 5-9; Slm 147:12-13, 15-16, 19-20; Mt 5:17-19) sa ikatlong linggo ng Kuwaresma. Ang mapaniil at […]
ANG kapalaluan ay kadalasang bunga ng pagpupunyagi na may malaking pangalan at tanyag at kinatatakutan sa lipunan dahil sa hawak na kapangyarihan. Kaya’t ang mabuting hangarin ay hindi nagiging totoo at nagtatapos sa kayabangan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 1:10, 16-20; Slm 50:8-9, 16bk-17, 21 at 23; Mt 23:1-12) sa ikalawang linggo ng Kuwaresma. […]
MARAMI pa hanggang ngayon, sa panahon ng kampanya, ang naliligaw at mapanlaban, itinatanggi ang katotohanan at mas lalong nagiging mapanlait, sa halip na maging mapagmahal. Pagninilay sa Ebanghelyo (Jon 3:1-10; Slm 51:3-4, 12-13, 18-19; Lc 11:29-32) sa kapistahan ng pitong tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Mahal na Birheng Maria, sa unang linggo ng […]
TINALIKDAN, dahil sa kaipokritohan, ng mga lider na nananagana sa kahambugan ang mahihirap, at kung maalala man, ay itinutrumpeta ang ibinibigay sa dukha dahil panahon ng kampanya. Wala nang nagugulat sa karukhaan at hindi na rin sila naaantig sa kanilang kinasadlakan. Pagninilay sa Ebanghelyo (JI 2:12-18; 2 Cor 5:20 – 6-2; Mt 6:1-6, 6-18) sa […]
BATID natin ang liwanag ng ilaw, isinisiwalat ang loobin ng mahihirap, ng taumbayan; ang kasakiman at pang-aabuso ng may kapangyarihan; ang pag-aaklas ng mga inaapi at ang pagbagsak ng di makaturangang sistema ng lipunan. Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Mal 3:1-4; Heb 2:14-18; Lc 2:22-40), sa kapistahan sa pagdadala kay Jesus sa Templo. Ang “pang-aabuso […]
WALANG paggalang sa batas ang marami. Laganap ang pang-aapi ng mayayaman sa mahihirap. Ipinagbibili ng kapwa ang kapwa. Bugbog sa pagbabayad ng mabibigat na buwis ang mahihirap. Nananahimik lang ang lider. Walang sinumang nagsasalita para sa maliliit na hinahamak at inaapi. Sa kasakiman, tayo’y namumulubi’t naghihirap, nakagapos sa walang katapusang kakulangan, kaya’t napipilitang maging masama […]
LAYUNIN ng lipunan ang kaayusan at pag-unlad, kaya’t may batas. Nguni’t nagiging tanikala ito kaya’t nananaig ang kapinsalaan ng tao. Nasusupalpal na ang mga lider. Hindi na tameme ang nagpupuyos sa galit na taumbayan. Pagninilay sa Ebanghelyo (1 S 17:32-33, 37, 40-51; Slm 144; Mc 3:1-6) noong Miyerkules sa ikalawang linggo ng taon, sa paggunita […]
HINAHANAP lagi ang kasiguruhan at kaligayahan. Ibinibigay naman ito ng kampon ng kasinungalingan. Tayo’y tinatakot o inaakit ng kanyang huwad na kapangyarihan. Pagninilay sa Ebanghelyo (1 S 1:9-20; 1 S 2:1, 4-5, 6-7, 8 abkd; Mc 1:21-28, unaang linggo sa karaniwang panahon). Sa pagsasagawa, pinaaalalahanan ang mananampalataya ng pananakot ng makapangyarihan. Habang nalalapit na ang […]
PATULOY pa rin ang pagiging makasarili, mapang-api at marahas ng ilan, lalo na ang nasa kapangyarihan. Kaya’t patuloy pa rin ang kahirapan, kalungkutan at paghihimagsik ng kalooban. Nananatiling madilim ang Bagong Taon dahil pasan pa rin ng taumbayan ang lumang problema, na hindi nilunasan ng gobyerno. Iyan ang pagninilay (1Jn 3:22 – 4:6; Mt 4:12-17, […]