GAANO ba ang takot natin kapag wala na tayo sa puwesto’t kapangyarihan? Bababa’t mawawala rin tayo sa puwesto’t kapangyarihan, tulad ng pinangangambahan ng lahat na mamamatay din tayo sa kasalukuyang buhay, kamumuhian o mawawala ang pangalan at iiwanan ang kayamanan.
Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gn 17:3-9; Slm 105:4-5, 6-7, 8-9; Jn 8:51-59), sa ikalimang linggo ng Kuwaresma, ang pinakamabagsik sa pagsasabuhay-politika na binigkas sa Misa ng ilang pari sa Diyosesis ng Malolos. Ang Ebanghelyo ay temang kamatayang-katawan, pero mas nakatatakot kapag tinuran ang mapang-aping mga lider.
Una rito, turan ang tagubilin ni apostol Pablo, sinabi ni Pope Francis na, “A good Catholic doesn’t meddle in politics.’ That’s not true. That is not a good path. A good Catholic meddles in politics, offering the best of himself, so that those who govern can govern.” Ang hamon ng Santo Padre, makialam ang aba, ang taumbayan (Pilipinas kasama), sa mga paninindigan nina Aquino, Poe, Binay, Duterte, Miriam, Roxas, atbp.
Inamin ng Santo Padre na may mga politiko na likas na makasalanan (ang mortal na kasalanan ng politiko ay ang pagsisinungaling sa mahihirap), maaamo pero demonyo ang likod na pagkatao, o muling pagkakakitaan lamang ang aba. Ang solusyon ng Santo Padre ay ipagdasal araw-araw ang kanilang pagbabago. Ang lunas ng taumbayan, huwag tangkilikin at iboto.
Napakamalas naman ng Pinas sa Taon ng Tsonggo. Ang panuhol sa tsonggo ay saging. Ang pampatalino ng tsonggo ay saging. Kapag gusto mong turuan ng ilang kagaguhan o katinuan ang tsonggo, ikaway mo ang saging (sa Ingles daw ay dangle). Kapag gusto mong maging masunurin sa iyo ang tsonggong Senado at Kamara ay kawayan mo ng saging, kahit na ang mga miyembro nito ay mga buwaya.
Sa pulong buhangin ng mga tsonggo ay may kwarta suprema. Hindi nakababasa ng pera ang tsonggo, maliban na lang kung iyan ay unggoy (para sa nalilito, ang tsonggo ay hayop, ang unggoy ay tao, na hanggang ngayon ay ipinaliliwanag ni Charles Darwin). Naging matalino ang tsonggo sa pulo at isip-tao na. Kaya sila’y tinawag na kwarta suprema.
Bakit pinupuri si Digong Duterte sa Lubao, Pampanga? Sinabi kasi ni Digong na kinidnap at inaresto ni Leila de Lima si GMA sa airport noong Nob. 18, 2011 gayung wala namang kasong nakasampa. Bilang abogado, aarestuhin lamang si GMA kung may mandamyento mula sa husgado. Nang dakmain si GMA nang walang mandamyento, kidnaping yan, ani Digong.
Sa apat na taunang survey ng Philippine Trust Index, mas mataas ang simbahang Katolika kesa media, sa tema ng pagtitiwala ng taumbayan. Ikinatuwa ito ng mga pari. Labis ang tuwa ng mga layko, tulad ko, ang sektor sa simbahan na may tuwirang ugnayan sa mananampalataya. Para sa mga layko, ipinaiiral ng simbahan ang Ikapitong Utos ng Diyos: huwag kang magnakaw.
MULA Sa Bayan (0916-5401958): Ang P1 pandesal ay mas lalong nakagugutom. Bilang retired employee sa CDO na ang pensyon ay P2,000 buwan-buwan, gusto ko nang “magpahinga,” pero ayaw ng 3 anak ko….5677
Ako’y basurera sa Lepanto, Forbes at Earnshaw. Tama ang ginagawa ko para sa aking 4 na apo, ang mamulot ng maibebenta dahil kailanman hindi tinulungan ng mga alkalde ang mahihirap. Abellera, ng Dos Castillas….1340
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.