Rody kinakarma na | Bandera

Rody kinakarma na

Lito Bautista - January 29, 2016 - 03:00 AM

WALANG paggalang sa batas ang marami. Laganap ang pang-aapi ng mayayaman sa mahihirap.

Ipinagbibili ng kapwa ang kapwa. Bugbog sa pagbabayad ng mabibigat na buwis ang mahihirap.

Nananahimik lang ang lider. Walang sinumang nagsasalita para sa maliliit na hinahamak at inaapi. Sa kasakiman, tayo’y namumulubi’t naghihirap, nakagapos sa walang katapusang kakulangan, kaya’t napipilitang maging masama at palaban.

Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Ne 8:2-4a, 5-6, 8-10; Slm 19:8, 9, 10, 15; Lc1:1-4; 4:14-21) sa pagbubukas ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City. Ngayon ay Hubileo ng Awa, pagkatapos ng Taon ng Mahihirap. Ipinakita ng pagninilay ang kawalan ng puso ng mga lider sa awa’t habag, na ipinanawagan ni Pope Francis nang siya’y dumalaw noong 2015, sa temang Mercy and Compassion (awa’t habag).

Ayon sa balo’t mga kamag-anak ng napatay na SAF trooper, na nagmula sa San Jose del Monte City, Bulacan, pinatunayan lamang ni Juan Ponce Enrile (miyembro ng Senate 22 na nagpatalsik kay Renato Corona) na hindi sinaklolohan ang nakubkob na SAF 44. Para sa kanila, pinabayaan ang kanilang mahal sa buhay at padre de pamilya. Pinananagot nila sina BS Aquino, Alan Purisima at AFP.

Sang-ayon ang junior officers sa Crame at mga opisyal at kadete ng PNPA sa Silang, Cavite, na ating madalas tanungin, na walang kahihinatnan ang imbestigasyon sa Senado o Kamara dahil bayaran ang mga buwaya rito. Tumpak. Mas mabuting kasuhan na lang ng multiple murder at multiple frustrated murder sina Aquino at Purisima sa Hulyo 1 (ilang tulog na yan).
Sa pagdinig sa Senado, napakagaling na artista pala si PNoy. Limang oras siyang naglibot sa Zamboanga City noong Enero 25, 2015, binisita ang mga pamilya ng dalawang biktima ng car bombing at ang mga sugatan sa tatlong pagamutan. Lamano rito, lamano roon, patik sa likod, pisil sa balikat habang dumarating ang mga balita na parami na nang parami ang namamatay na SAF. Anak pa naman siya nina Ninoy at Cory, kapatid ni Kris at tito ni Josh.

Type mo pa ba si Franklin Drilon? Hindi mo pa ba nahahalata si Drilon? Parating nakadikit yan sa nakaluklok sa trono. Mantaking yayain niya si Gloria Arroyo na ilipat ang Malacanang sa Iloilo at pagkalipas ng ilang araw ay ilalaglag pala niya si GMA. Marami namang puwedeng ipalit kay Drilon sa Mayo, tulad nina Getulio Napenas, Samuel Pagdilao, Raffy Alunan, atbp. Ang mga ito’y walang uling at putik, lalo na sa paa, kamay at puwit.

Ayon sa isang pari na dumadalo sa Eucharistic Congress sa Cebu, kinakarma na si Rodrigo Duterte (na lumulubog na ang kasikatan) dahil sa pambabastos niya sa Santo Papa. Pang-apat na lang siya sa SWS ratings. Binastos din naman ni Pangulong Aquino ang Santo Papa. Kaya kabi-kabila na ang kanyang malalaking problema. Ang paalala ng matatanda na “Huwag kang bastos” ay hindi sinusunod nina Duterte at Aquino.

Tinapat na ng LTO ang mga driver at may-ari ng mga sasakyan: wala kayong lisensiya, sticker at plaka hanggang Hunyo 30. Sa Hulyo 1, bahala na si Batman sa inyo. Aray. Ang mabisang gawin ng mga driver at may-ari ng mga sasakyan ay huwag iboto ang mga kandidatong Liberal. Ang Liberal Party ang nagpahirap sa mga driver at may-ari ng mga sasakyan.

MULA sa bayan (0916-5401958): Kawawa kaming riders na ang lisensiya ay papel lang. Marami kaming ipinaliliwanag kapag nasita sa checkpoint. Napakarami ang checkpoint sa Maynila, QC at Caloocan. …Entoy ng Luskot, Galas (…5411)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending