SSS, SAF, MRT | Bandera

SSS, SAF, MRT

Lito Bautista - January 22, 2016 - 03:00 AM

LAYUNIN ng lipunan ang kaayusan at pag-unlad, kaya’t may batas. Nguni’t nagiging tanikala ito kaya’t nananaig ang kapinsalaan ng tao. Nasusupalpal na ang mga lider. Hindi na tameme ang nagpupuyos sa galit na taumbayan. Pagninilay sa Ebanghelyo (1 S 17:32-33, 37, 40-51; Slm 144; Mc 3:1-6) noong Miyerkules sa ikalawang linggo ng taon, sa paggunita kina San Fabian at San Sebastian, mga martir.

Ang pagkait ni Benigno Simeon Aquino, ang butihing anak nina Ninoy at Cory, sa umento ng mga pensyonado ng SSS ay malaking kasalanan sa Papal Bull (Misericordiae Vultus) na nilagdaan ni Papa Francisco (Jorge Bergoglio) hinggil sa Hubileo ng Awa noong Abril 11, 2015. Bilang Atenista, alam ni Aquino ang Papal Bull. Kung ito’y tinalikuran niya, isa na siya sa mga inuuod na Atenista (paumanhin, Padre Ranny).

Ang 2015 ay Taon ng Dukha at ang 2016 ay Hubileo ng Awa at Taon ng Eukaristiya. Sa bawat Katolikong lider ng mga bansa, at sa karaniwang layko, ang 2016 ay mas malaking sakripisyo, o pagdurusa, kesa 2015 dahil bukod sa Awa ay may ipinipilit itong kabanalan at paggalang sa katawan at dugo ni Jesus. Malinaw na walang Awa at kabanalan si Aquino, na ang ina ay madasalin (kuno).

Bukod sa paglabag sa isa sa mga isinasaad ng Corporal Works of Mercy, o lahat na, ang ginawa ni Aquino sa mga pensyonado ay salungat sa utos ng Mahabaging Diyos (Divine Mercy o Banal na Awa). Sa ginawa ni Aquino, inalis niya sa puso at habag ng tao ang mga pensyonado. Tinalikuran ni Aquino ang misyon ng bawat Katoliko: habag at awa sa matatanda, na nasa silungan ng Vatican.

Kumpleto na ang mag-aalsa kontra Daang Matuwid: mga pensyonado, SAF at mga obrero na pasahero ng MRT. Hindi nila kayang labanan ang mapaniil na puwersang Aquino. Pero ginawa ito ng taumbayan kina Marcos at Estrada, sa tulong ng dasal at gabay ng Banal na Awa ng Diyos.

Ang unang pag-aalsa at laban ay nakatuon sa di pagboto kina Mar at Leni at sa lahat ng kandidato ng Liberal Party sa pagka-senador. Maaari ring sagasaan (ng tren?) ang mga kandidato pagka-kongresista ng LP kung sila’y di nakaugat sa matatanda’t mahihirap sa kanilang lokal. Sa Section 3 Article II ng Saligang Batas ni Corazon Aquino, ang AFP ay tagapagtanggol ng taumbayan, na kinabibilangan din ng SSSSAFMRT, na pinabayaan ng pangulo ni Coloma.

Sa “paramdam” noong Nob-Dis 2015, hindi nahikayat ng Malacanang ang maraming heneral ng AFP at PNP na “suportahan” sina Mar at Leni. Sa temang ito, buklod ang AFP at PNP, lalo na ang PNPA at “juniors” ng Crame. Malaking kabiguan ito, lalo pa’t sumabog na ang balita na ingungudngod ni Juan Ponce Enrile si Aquino 3 sa pagkatay sa SAF 44 ng mga Moro, ang mamamatay na pinakamamahal ng pangulo.

Kapag kinasuhan ng libelo sa Marawi, ang puwedeng mangyari ay dukutin ang akusado habang naglalakad, ipasa sa mga bandido at ipatubos sa pamilya. O kundi’y pugutan ng ulo sa sagingan o sa maisan na kahawig ng tanawin sa Mamasapano. Mabagsik ba, Lowell?

MULA sa bayan (0916-5401958): Ka Lito, ano ka ba? Kay Josie? …5661 ng Longos, Balagtas, Bulacan.

Ang aming politiko ay mukhang pera. Hindi siya nagtatrabaho hanggang walang hatag na pera. Alam ng marami na kumita na siya kay PNoy. …1771 Bul CagDeOro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending