Marcos handa, kakasa | Bandera

Marcos handa, kakasa

Lito Bautista - February 05, 2016 - 03:00 AM

BATID natin ang liwanag ng ilaw, isinisiwalat ang loobin ng mahihirap, ng taumbayan; ang kasakiman at pang-aabuso ng may kapangyarihan; ang pag-aaklas ng mga inaapi at ang pagbagsak ng di makaturangang sistema ng lipunan. Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Mal 3:1-4; Heb 2:14-18; Lc 2:22-40), sa kapistahan sa pagdadala kay Jesus sa Templo.

Ang “pang-aabuso ng may kapangyarihan” ay itinuon na kay Sen. Bongbong Marcos, itataon sa simula ng campana nacional sa Peb. 9, at ang gigisingin ay ang nakahimlay na multo ng martial law, ang deklarasyon na kinatigan at ipinagtanggol pa ng Korte Suprema. Marami raw ang namatay noong martial law. Pero, mahigit isang milyon Pinoy (at mahigit dalawang milyon ang nawala) ang namatay nang pamunuan ni Benigno Aquino ang Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) noong panahon ng Hapon.

Walang binayonetang sanggol sa panahon ng martial law ni Ferdinand Marcos, pero lahat ng tagsibul at dalagang Pinay ay ginahasa, kahit sa gitna ng Plaza de Moriones sa Tondo, noong panahon ni Benigno Aquino, na pinili mismo ng Japan bilang pinuno ng KALIBAPI. Sa panahon nina Corazon at Noynoy Aquino, walang hustisya sa mga biktima ng masaker sa Lupao, Mendiola, Luisita, Luneta, Mamasapano, atbp. Palakpakan ang mga Aquino!

Igigiit ng Malacanang ni PNOY na magnanakaw si Ferdinand Marcos. Pero, noong Enero, inilarawan ni Ombudsman Conchita Morales na “super number” ang bilang ng magnanakaw na mga opisyal sa gobyerno ni PNOY at sila’y nasa lahat ng burukrasya ng gobyernong dilaw. Mahiyain pa nga ang Supreme Court sa PDAF at DAP at sinabi lamang na ang pagnanakaw ng pera rito ay “unconstitutional.”

Tatlong pagninilay sa mga Ebanghelyo ang aking naisulat simula pa noong Okt. 2014, na tumatalakay sa “tamang panahon.” Sa paggunita sa “EDSA” sa ikaapat na linggo ng buwan, baka ito na ang tamang panahon para malaman na hindi ang pamilya Marcos ang utak ng Ninoy assassination, kundi isang ka-DNA. Kapag naganap, ito na ang huling EDSAng dilaw. O kundi’y puwede rin akong maghintay hanggang Hulyo 1.

Ang alam ko’y lalaban si Bongbong kapag tiniris sa 1081. Marami rin naman ang nasa likod ni Bongbong kapag siya’y lumaban. Sa aking nakita, mas magaling bumaril si Bongbong kesa kay Noynoy, at napatunayan na ito ng Ilocandia Shooters. Si Noynoy, baka ma-DQ kapag magsabay sa shootfest. Madaling talunin ni Bongbong si PNOY. Walang bisyo si Bonggets.

Nang pumutok ang EDSA rev noong 1986, 12 taon na ako sa pamamahayag (10 taon sa dyaryo, ang unang dalawang taon ay sa national mag). Dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas (Abril ’86) ay disillusioned na ang ilang opisyal ng PC at AFP, na sumuporta kina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos. Hindi nila akalaing wala palang puso si Corazon Aquino.

Nakasama ko si Celso Cabrera sa Evening Post. Si Cabrera ay dating editor ng Chronicle. Ang kanyang kolum na “Inside Malacanang” sa Chronicle ay dinala niya sa EP. Di ko makalilimutan ang kanyang sinabi: “Why should we pretend to be saints when in reality we are not? We are not angels. When we die, we will all go to hell, a better place, because there are no investigations, no Supreme Court.” Gusto ni Noy yan.

Hindi ako maka-Bongbong. Pero galit ako kapag iningungudngod si Bongbong para lamang isulong si Leni Robredo, na ang tanging prueva de travajo ay pambarangay lang.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bicolano baga si Chiz? Bakit mas dumami pa ang NPA sa Sorsogon? …8732

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending