ANG kapalaluan ay kadalasang bunga ng pagpupunyagi na may malaking pangalan at tanyag at kinatatakutan sa lipunan dahil sa hawak na kapangyarihan. Kaya’t ang mabuting hangarin ay hindi nagiging totoo at nagtatapos sa kayabangan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 1:10, 16-20; Slm 50:8-9, 16bk-17, 21 at 23; Mt 23:1-12) sa ikalawang linggo ng Kuwaresma.
Ang biglang-sikat (viral pala ang tawag ngayon) na batang (12-anyos) mangongotong sa mga PU driver sa Pasay ay produkto ng batas ni Kiko Pangilan, na nagkakanlong sa kriminal na mga menor de edad. Huwag nang sugalan si Pangilinan. Marami namang mas matino sa kanya, tulad ni Getulio Napenas o Samuel Pagdilao. Si Pangilinan ang idol ng mga batang hamog.
Ang paghahain ng poder nina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos Kay Corazon Aquino noong 1986 ay walang pagsang-ayon ng buong RAM, lalo na ng mabababang ranggo. Hindi rin ito sinang-ayunan ni Gregorio Honasan, pero hindi siya nanindigan. Ang EDSA ay di para siraan si Marcos kundi para patalsikin. Bakit ngayon lang sinisi-raan si FM? Bilang inggit kay Bongbong?
Bilang business section deskman ng Evening Post noong Peb. 1986, ako ang “neutral reporter” na ipinadala sa Crame dahil naglaho ang defense reporter ng pahayagan, na kilalang katig kay Fabian Ver. Ang nasa isip ko ay paano baba-ngon ang lugmok na negosyo, kahit sinong damuho ang nakaupo. Pero, ang nakita ko ay ang tunggalian ng pananaw kay Corazon sa malawak na ranggo ng mga rebelde. Hanggang nakialam ang Estados Unidos.
Ayon kay Sen. Enrile, dalawang Aquino ang nakinabang sa kanilang pinaghirapang EDSA (kasama sina Almonte at Abenina): ang walang alam na ina at tulirong anak. Nagkamali si JPE (o kundi’y naduwag o nagpakabait). Kung nanindigan lang siya, tulad nina Cabauatan, Abadilla (ang pinakatahimik dahil iniwan ng puwersa) at Aguinaldo, baka sineryoso siya ng Amerika.
Pero, tapos na ang EDSA ni Corazon. Sa 2017, wala nang EDSAng Aquino, dahil matagal nang namatay ang diwa ng EDSA. O kalaboso na (o pinatay, huwag naman) si Noy. Sa ilalim ng Ikalawang Aquino, ang EDSA ay smuggling, korapsyon at mandarambong na mga miyembro ng Gabinete.
Mainit ang pagtanggap ng Marileno (Marilao, Bulacan) kay Ipe ni Kris, na residente ng Santa Rosa 2, gayung hindi naman mahilig sa artista (mas mahilig pa silang mag-alaga ng baboy) ang mga ito. Kaya pala, bise siya ng nagbabalik (at napakalakas) na si Josie de la Cruz. Kapag nanalo si Ipe ay puwede na niyang kantiyawan si Joey, na yorme lang ang naabot (I ain’t bum).
Dedma ang karamihan sa mga residente at botante sa Barangay Kiko, Camarin, North Caloocan, na malaki rin naman ang populasyon, sa presidential debate, at sa darating na PDs. Ang Kiko ay barangay lang, na may Jollibee, Save More, San Roque, Mercury, walong hardware, tatlong palengke at 10 talipapa. Maraming mahihirap, pero halos lahat ng arawang obrero ay masisipag, kahit na ang iba ay sa malayong Alabang pa namamasukan.
Tama ang mga residente. Di dapat pagkatiwalaan ang presidentiables. Pinabayaan kasi sila ni Noynoy Aquino, ang kuya ni Kris na di nila makalilimutang nagkatulo. Mas malapit sila kina Oscar Malapitan, Enrico Echiverri, Maca Asistio, Dean Asistio. Hindi sila pinapansin nina Aquino at presidentiables, pero tinutulungan sila ng mga Tsinoy at nina Malapitan, Echiverri at dalawang Asistio.
MULA sa bayan (0916-5401958): Kung hindi sa EDSA revolution, hindi ka ngayon tunay at malayang mamamahayag. Huwag iboto si Bongbong. 0920-8131109
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.