ANG nagbubulag-bulagan ay tuluyang nabubulag at habambuhay na nagiging alipin ng karimlan. Ang ayaw sa liwanag ni Jesus ay masasadlak. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 1:14; 2:1-5; Slm 1; Lc 18:35-43) sa ika-33 linggo ng taon. May lolang bulag sa pag-ibig, bulag sa moralidad. Ang pangulo ay bulag sa EJK, kaya ang mali ay […]
ANG binibitiwang salita ng sinumang may kapangyarihan o nakatataas sa lipunan ay may malaking epekto sa nakaririnig. Babala ito sa mga magulang, guro, lider. At ang masamang impluwensiya ay nagiging sanhi ng kawalan ng biyaya. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ti 1:1-9; Slm 24; Lc 17:1-6), sa ika-22 linggo ng taon. Bakit nagkakandarapa ang mga […]
ANG kayabangan ang ugat ng lahat ng kasalanan. Di madaling sumunod sa atas ng pagpapakumbaba dahil ito’y taliwas sa personal na kagustuhan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Fil 1:18b-26; Slm 42; Lc 14:1, 7-11) sa ika-30 linggo ng taon. Isang banal lang ang kinausap at pinagpakitaan ni Jesus (bago sumiklab ang World War 2): si […]
DI malayong mangyayari na sa gagawing desisyon, may masisirang relasyon. Ang dating kaibigan ay magiging kaaway. Maaring mauwi sa di magandang samahan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ef 3:14-21; Slm 33; Lc 12:49-53) sa ika-29 na linggo, kapistahan ni San Artemio. May galit, yabang at poot sa anumang paghihiwalay, na sinilaban ng pag-aaway. Matapang, at […]
MASARAP magsinungaling! Sinungaling pa more, anang homilia ni Fr. Yuli, vicar sa National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao; lalo na sa droga. Walang alam? Walang bahid? Di kumita? Todo tanggi! Lumuhod pa. Walang tinatakpan na di mabubunyag (San Lucas). Ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ef 1:11-14; Slm 33; Lc 12:1-7) sa ika-28 linggo ng […]
LABAN sa akin ang hindi panig sa akin. Malinaw ang pinili nila: shabu at marijuana. At kapag nahuli ay saka mananalangin at mangangalap ng panalangin para sa nakakulong. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gal 3:7-14; Slm 111; Lc 11:15-26 [o Gawa 1:12-14; Lc 1:26-38]) sa paggunita sa Mahal na Birhen ng Rosaryo. Father Ranhilio Aquino: […]
BAKIT may patayan sa labas at loob ng bahay? Kailanman, di nagpabaya ang Diyos. Ang tao–ang makasalanan, ang mas pinili ang demonyo–ang nagpabaya sa Diyos. Ang patayan ay pangitain ng takdang panahon tungo sa pagbabago. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Hb 1:2-3, 2:2-4; Ps 95; 2 Tim 1:6-8, 13-14; Lc 17:5-10) sa […]
LAHAT ng nagaganap ay kaloob sa tamang panahon. May panahon sa pagpatay, panahon sa paghilom; oras ng dalamhati, ng pagsasaya. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Ecl 3:1-11; Slm 144; Lc 9:18-22) sa paggunita kay Padre Pio sa ika-25 linggo ng taon. Gloria de Lima, napakagandang pangalan, di pa isinisilang. Gloria, papuring abot-langit, […]
DI pera ang ugat ng pagkakasala. Ang pagmamahal sa pera ang siyang ugat ng lahat ng pagkakasala. Malakas na tukso ang sambahin ang pera. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo(Am 8:4-7; Slm 113; 1 Tim 2:1-8; Lc 16:1-30) sa ika-25 linggo ng karaniwang panahon. Saan nagkamali si D5? Nang iprinisinta niya si Matobato (kimkim ang poot). […]
HINDI makapamumunga ng mabuti ang palamura at imoral. Ang kanilang mga kilos ay dahil din sa mga bagay na kanilang iniisip at sinasabi. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1 Cor 10:14-22; Slm 116; Lc 6:43-49), sa ika-23 linggo ng taon. Nakakasa nang durugin ng mga Dutertista sa Kamara ang barangay. Aalisin ang mga kagawad. Sa […]
ANG bawat pagpapasya ay maaaring maging daan upang lumagpak. Subuking hingin ang gabay ng Diyos, lalo na sa mahalagang salita o desisyon. Iyan ang Pagsasagawa sa Pagninilay sa Ebanghelyo (1 Cor 6:1-11; Slm 149; Lc 6:12-19) sa ika-23 linggo ng taon. Kung di niya iniwan si Jesus, di sana siya nagmumura, madalas magkamali, malimit na […]