Ipatawag si Noy | Bandera

Ipatawag si Noy

Lito Bautista - September 23, 2016 - 12:10 AM

DI pera ang ugat ng pagkakasala. Ang pagmamahal sa pera ang siyang ugat ng lahat ng pagkakasala. Malakas na tukso ang sambahin ang pera. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo(Am 8:4-7; Slm 113; 1 Tim 2:1-8; Lc 16:1-30) sa ika-25 linggo ng karaniwang panahon.

Saan nagkamali si D5? Nang iprinisinta niya si Matobato (kimkim ang poot). Saan nagkamali noon si D5? Sa pera (limpak-limpak na salapi). Ang puso ba ay nagkakamali? Madalas, dahil marupok ang tao sa tukso. Kung ganoon nga, ano ang pera at tukso? Ugat ng pagkakasala.

Hangga’t maaga ay ipatawag na si Noy sa Kamara. Ang kalawit ng imbestigasyon ay nasa pinto na ng tanggapan ng executive secretary. Isa lang ang pintong entrada ng tanggapan ng pangulo at executive secretary. Matagal nang tinawag ni Digong na “tamad” si Noy sa laban kontra droga.

Kaya pala “tamad” ay may nagaganap na malaking negosyo ng shabu sa mga ahensiya (NBI at BuCor) ng kanyang batang si D5. Hindi naman daw tamad si Noy, “…just looking the other way, always.” Oo nga, “looking the other way, always,” noon sa DOTC habang gumagawa ng pera ang kanyang mga bata.

Nang ibunyag ni Digong ang PNP narcogenerals, nasa pinto na ng tanggapan ng SILG noon ang kalawit ng duda. Kahina-hinalang iniliko ang tuon sa kalihim, at inilayo pa ang kutob na may alam (o kinalaman) din siya sa shabu.

May katuwiran din naman ang pulis-Meycauayan nang igiit niya na di masisisi ang mga pulis sa laylayan na maki-droga na rin. Dahil ang mga heneral na malapit kay SILG ay daang milyones na ang kinita sa shabu. Mauulingan ang humawak sa puwit ng palayok.

Masdan mo Digong ang iyong araw-araw na pagmumura. Ang mga paslit na utal sa barangay Bagong Ilog at Santa Rosa 2 sa Marilao, Bulacan ay malutong ang PI. Ang mga paslit na utal sa palengke sa Phase 1, Phase 5 at Phase 9, Barangay Bagong Silang, Caloocan ay malutong ang PI, at inii-Ingles pa. Palamura rin ba ang mga apo mo, Digong?

Iilan lang sa mga diocese ng simbahang Katolika ang nais kumupkop ng mga adik. Tila napilitan lang si Cardinal Tagle na buksan ang pinto para sa mga user at adik, sa kondisyong bumalik kay Jesus at lumahok sa livelihood projects ng Caritas. Naunahan kasi siya ni Fr. Luciano Felloni, kura ng Lourdes sa Camarin, Caloocan at estudyante sa Buenos Aires ni Jorge Bergoglio.

Matagal ko nang naisulat na ang adik ay hindi binhi ng Diyos at kailangan pa ng exorcism, kung gusto nila, bago magbalik-loob at tumanggap ng awa’t grasya ng pananampalataya. Dahil ang parokya ni Felloni ay nasa teritoryo ng Dio Novaliches, nagpatawag sila ng summit on illegal drugs, na ang tinalakay sa kalahating araw na pulong ay “concrete actions against illegal drugs.”

Una, ang summit ay hindi kalahating araw lang (bitin). Ikalawa, Set. 17 lang ipinatawag ito. Malaki at mabilis na ang mga pagbabago sa kampanya kontra droga, at lumagpas na ang biyaheng bicol. Sa kampanya kontra droga, hindi puwede ang “huli man at magalang…” Padre, kapag kasalanan, di puwedeng ipagpabukas yan.

1081 ’72. Alas 3:30 n.u. Sumakay ng rektang bisikleta mula sa San Perfecto, Sampaloc patungong Florentino Torres, Santa Cruz para kunin ang 55 dyaryo ng Manila Times para i-deliver sa Espana (kanan, pa-rotonda). Hinto ang planta. Puro sundalo. Balik-San Perfecto. Pasok sa unibersidad alas-7 n.u. Sarado ang paaralan.

PANALANGIN: Huwag mo akong payamanin, Panginoon. Baka kung ako’y yumaman ay masabi ko na di na kita kailangan. Kawikaan 30:7-9

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa Bayan (0916-5401958): Sobra na ang banat ninyo kay Hon. Sen. Leila de Lima. Sino ba ang nasa likod ng media na bumabanat kay De Lima? …4546

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending