PUWEDENG magalit nang di nagkakasala kung ang galit ay bilang likas na reaksyon sa kasamaan o katiwalian, lalo na sa gobyerno. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jer 1:17-19; Slm 71; Mc 6:17-29) sa paggunita sa pagpapakasakit ni San Juan Bautista. Marami ang galit sa kasamaan ng droga, kasamaan ng mga tulak at adik. Hindi binhi […]
MARAMI ang gustong pumasok pero hindi makapapasok. Marami ang nagsasabing magbabago na, kapag nahuli ng batas, pero hindi naman nagbabago. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 66:18-21; Slm 117; Heb 12:5-7, 11-13; Lc 13:22-30) sa ika 21-linggo sa karaniwang panahon, turan ang namumutawi sa labi ng makasalanan sa bitag ng paniningil. Si Leila, ng Tabing […]
SAPAT na ang kamatayan ng masamang ama, na gumawa ng masama sa kapwa. Kung may pagdurusahan ay maihahango rin siya sa pamamagitan ng panalangin ng nakaaalala sa kanya. Kahit sa kamatayan, meron ding habag at awa ng mapagmahal na Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ez 18:1-10, 13b, 30-32; Slm 51; Mt 19:13-15 ) sa […]
HIGIT na inuna ang bisyo, ang droga, ang pansariling pangangailangan; tinalikuran ang magulang, o mismong ang magulang ang tumalikod sa anak, hanggang sila’y kapwa nakatalikod na sa Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Nh 2:1, 3; 3:1-3, 6-7; Dt 32; Mt 16:24-28) sa ika-18 linggo ng taon sa pagtatalaga ng Basilika ni Maria sa Roma. […]
SA karaniwang unos sa buhay, ang pananahimik ni Hesus ay pagsubok lang. Kailangan ang matapang na pananampalataya, tulad ng sumisigaw na babae; ng pamilya ng durugista’t tulak. Bagaman ang durugista’t tulak ay kampon na ng demonyo, puwede pa ring sumigaw at sumampalataya ang kanyang pamilya para mabawi ang umalis sa landas. Iyan ang Pagninilay sa […]
GAWA ng kaaway, ng demonyo, ang mga durugista’t tulak, at hindi ng Diyos. Hindi ito ang mabuting binhi na inihasik ng Panginoon. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jer 7:1-11; Slm 84; Mt 13:24-30) sa ika-16 na linggo ng taon, kapistahan ng relihiyosang Santa Brigida. Labing-tatlong bahay mula sa akin, nakaburol ang labi ng niratrat na […]
MAGING ang mga durugista ay may karapatan ding mahasikan ng binhi ng Salita ng Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jer 1:1, 4-10; Slm 71; Mt 13:1-9) sa ika-16 na linggo ng taon. Pero, paano sila mahahasikan kung sila’y walang Diyos, di tumatawag sa Diyos at ayaw magbalik-loob sa pamamagitan ng kumpisal? Biktima ng “red […]
DALA ng dumating ang tabak, ang paghihiwalay. Sa tabak ay daranak ang dugo; sa paghihiwalay, ang away sa lipunan. Mas totoo yan sa nagmamalinis na diyus-diyosan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 1:10-17; Slm 50; Mt 10:34, 11:1) sa ika-15 linggo ng taon. Walang maniniwala na drug-free ang Caloocan, ang tanging lungsod na magkahiwalay ang […]
DI maaaring manood na lamang at sabihing, “Trabaho yan ng gobyerno.” Di rin dapat maniwala’t umasa sa bulaklak ng dila na, “Dala ko ang pagbabago.” Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 66:10-14c; Slm 66; Gal 6:14-18; Lc 10:1-12, 17-20) sa ika-14 na linggo ng karaniwang panahon. Ang Pagninilay ay isinulat noong Mayo-Hunyo 2015 at di […]
HINDI madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan, ng karahasan, ng pangungutya ang simbahang Katolika. Ito ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 12:1-11; Slm 34; 2 Tim 4:6-8, 17-18) sa dakilang kapistahan ng mga apostol na sina San Pedro’t San Pablo. Sa kapistahan ng Krus sa Wawa, (muling) pinatunayan na di kayang pabagsakin ang simbahan ng akusasyong “ipokrito.” […]
ALAMIN muna ang katotohanan at isa-isahin ang media, o sinumang hinatulan na ng makasalanang mata, para matiyak kung dapat nga bang maghusga. Kundi’y ituwid muna ang sariling pagkakamali bago humatol sa iba. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2 H 17:5-8, 15a, 18; Slm 60; Mt 7:1-5) sa ika-12 linggo ng taon. Matagal bago kumibo ang […]