Leila hindi De Lima | Bandera

Leila hindi De Lima

Lito Bautista - August 26, 2016 - 12:10 AM

MARAMI ang gustong pumasok pero hindi makapapasok. Marami ang nagsasabing magbabago na, kapag nahuli ng batas, pero hindi naman nagbabago. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 66:18-21; Slm 117; Heb 12:5-7, 11-13; Lc 13:22-30) sa ika 21-linggo sa karaniwang panahon, turan ang namumutawi sa labi ng makasalanan sa bitag ng paniningil.

Si Leila, ng Tabing Ilog, Marilao, Bulacan, ay hindi De Lima. Maganda si Leila, di tulad ni De Lima. Pero, ang mga lalaking kanyang nakasiping ay nauuwaan siya. Napakahilig ni Leila, hindi De Lima, sa siping; iba-ibang lalaki. May sakit daw si Leila, na nagpapabayad, at di nagbabayad.

Bakit walang nababasang puri survey kay Leila, ang De Lima, kung tama nga ang kanyang ginagawa? Bakit di lumalabas ng lungga si Benigno Aquino 3 para ipagtanggol si Leila, ang De Lima? Aba’y kahit di nakatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ay kayang sagutin ang tanong na ito, di na kailangan ang survey.

Naisulat ko na ito noon pa. Kapag sumama ang bobong sibilyan sa sindikato ng pulis sa droga, ang bobong sibilyan ang unang papatayin kapag mabubuking na (leksyon ng striker sa presinto). Ang susunod na papatayin ay ang kapwa pulis na. Totoo ang kuwento ng pulpol na mga testigo dahil sumama nga ang mga debo sa sindikato ng pulis.

Nakainggitan lang daw ang pagsawsaw sa droga sa bilibid ng matataas na opisyal dahil sa talamak na nakawan sa administrasyong Aquino. Alam ng mga taga-bilibid at Department of Justice na malalaki ang nakawan sa DSWD, DOTC, LTO, LTFRB, Customs, DBM at maging sa Malacanang, na subi ang tawag sa bulsahan (nagsubi lang naman). Ang nakawan nga naman sa DOJ ay hindi ginagalaw ang kaban ng bayan. Style Erap nga lang.

Matamlay na ang kampanya ng mga barangay chairmen (chairwomen) sa North Caloocan at Eastern Southern Bulacan kontra droga. Mawawalan sila ng boto sa eleksyon. Mas marami na kasi ang bilang ng mga residente na nilamon na ng droga.

Maraming kasong kriminal sa Caloocan Metropolitan Trial Court ang nag-ugat sa videoke sa gabi. Naghain ng panukalang ordinansa si Councilor Alou Nubla sa konseho ilang taon na ang nakararaan pero hindi ito umusad. Hindi naging ordinansa hanggang ngayon. Kaya patuloy sa pagdami ang mga reklamong isinasampa sa barangay hinggil sa maingay na videoke, na umaakyat naman sa husgado.

Malamig ang mga konsehal sa ordinansa kontra videoke sa gabi dahil nagbi-videoke rin sila sa gabi at mas marami pa sa kanilang mga bata ang nagbi-videoke. Ang mga kaso na nag-ugat sa videoke ay lahat ng physical injuries, homicide, grave threats, damage to private property, estafa (tumatakas sa videoke bar nang di nagbabayad) at alarm and scandal. Bukod sa alak, may droga rin sa videoke session, shabu at marijuana.

PANALANGIN: Patawarin mo sila, butihing Jesus. Hugasan mo ang kanilang mga kasalanan ng iyong banal na dugo (mula sa Panalangin para sa Mahal na Jesus Nazareno, ni Father Mar Ladra, master’s degree, Loyola School of Theology at healing priest ng Diocese of Malolos).

MULA sa Bayan (0916-5401958): Dito sa Philcoa, QC, tricycle drivers ang tulak ng shabu at sa terminal pa ang transaksyon. Galing ng Matahimik ang shabu. …7762

Nakakasawa na ang balita. Puro De Lima. Dito sa amin sa Baras, dati puro tulak ang balita. Naubos na ang tulak kaya wala nang pinag-uusapan ang mga residente. …1391

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binabayaran ba ng drug lord ang media? Masyado na kasi ang banat sa extra-judicial killing. Sana ilabas ni Digong ang listahan ng adik sa media. TR ng Bagac, Manuguit, Tondo. …0977

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending