SAPAT na ang kamatayan ng masamang ama, na gumawa ng masama sa kapwa. Kung may pagdurusahan ay maihahango rin siya sa pamamagitan ng panalangin ng nakaaalala sa kanya. Kahit sa kamatayan, meron ding habag at awa ng mapagmahal na Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ez 18:1-10, 13b, 30-32; Slm 51; Mt 19:13-15 ) sa ika-19 na linggo ng taon, turan ang Unang Pagbasa.
Drama ni De Lima ang kanyang pahayag isang araw bago tukuyin ni Digong na siya nga ang pinasasaringan, na may kasamang garalgal na parang iiyak na. Kung may matibay na paninindigan si De Lima, ituloy niya ito at huwag siyang maduwag at tumiklop. Kung ito’y para sa bayan, ang mamatay nang dahil sa iyo. Kunsabagay, sa bawat pagtibok ng puso ay may drama nga.
Nami-miss ko na si Peter Lim. Wala naman palang malaking pasabog sa kanya si Digong. Ang sabi ni Digong ay mamamatay si Lim kapag lumapag sa airport. Lumapag sa airport si Lim, at tinanggap pa ni Digong nang makipagkita sa kanya. Hindi pinatay si Lim at nanahimik si Digong nang magkuwento ang tsekwa. Parang tama ang drug underworld, na may…
Kailangang patunayan ng malaking pamilya Asistio kay Digong na kontra droga sila at di nagkakanlong ng kadugo, katropa. Magpapa-rehab na raw ang isa (matagal ko nang narinig yan) at ang isa’y nakapagtatakang nakalusot sa bitag (taga-Sangandaan daw ang nag-tip ng raid). Ito ang ginintuang sandali para kay Vice Maca Asistio na patunayan na ang Caloocan ay hindi maka-droga.
Di naman salvaging o extra-judicial killing (EJK) ang nagaganap. Rubout lang yan. Paanong salvaging ang pagpaslang sa kakilala ng mahaba-haba rin namang panahon? Paanong EJK ang pinatay ng kakilala, ka-shabuhan? Sa buhay-presinto, ang bobong nagtiwala sa tiwaling pulis ay unang pinapatay. Rubout iyan.
Palpak ang inilunsad ng simbahang Katolika na t-shirt na “Huwag Kang Papatay,” turan ang umano’y salvaging, o tumbahan sa droga. Tatlo ang t-shirt ko na “Huwag Kang Magnakaw,” na binili sa tatlong diosesis, Malolos, Manila at Cubao. Noon pa man ay sinabi ko sa paring kandidatong pagka-monsinyor sa Malolos diocese na ang mahihirap , Katoliko man o hindi, ay hindi mag-aalsa kung ang pinapatay ay ang demonyong mga adik-tulak. Ang mga adik-tulak-adik ay binhi ng demonyo at hindi ng Diyos.
Susme, hanggang ngayon, wala pang remedyo sa trapik, hindi pa rin napapalitan ang pamunuan ng MMDA, ang HPG mas nasasangkot pa sa murder. Anong klaseng masigasig at masipag daw na gobyernong ito? Anim na taon promdi o promdi forever na lang ba ang mamamahala sa Metro Manila? Nababawasan na ang problema sa droga, bakit nadadagdagan ang problema sa trapik? Enhinyero, tulad ni Bayani Fernando, ang kailangan sa MMDA at hindi abogado. Nakadalawang abogado na nga ang MMDA kaya pumalpak yan. Sa trapik, no change is coming.
PANALANGIN: Panginoon, tulungan mo kami na maintindihan ang tunay na kahulugan ng kamatayan. Ito ang katapusan ng takot at simula ng kapayapaan. Mula sa Panalangin Para sa Kaluluwa ng Mahal na Yumao, ni Fr. Mario Jose Ladra, Loyola School of Theology (master’s degree).
MULA sa Bayan (0916-5401958): UST prof ako at residente ng flood-free Parang, Marikina. Bakit kung kelan pangulo na si Duts ay lalong lumalala ang trapik? From Espana Rot to UST parking space, one hour? …8830
Let Cebu solve its drug problem. We don’t need somebody from Crame. …1550
Bakit huminto ang gera kontra droga sa Malolos? Nariyan pa ang drug lord. …6534
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.