Malupit ang Intsik | Bandera

Malupit ang Intsik

Lito Bautista - October 28, 2016 - 12:10 AM

DI malayong mangyayari na sa gagawing desisyon, may masisirang relasyon. Ang dating kaibigan ay magiging kaaway. Maaring mauwi sa di magandang samahan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ef 3:14-21; Slm 33; Lc 12:49-53) sa ika-29 na linggo, kapistahan ni San Artemio.

May galit, yabang at poot sa anumang paghihiwalay, na sinilaban ng pag-aaway. Matapang, at mabangis, ang may kimkim na galit, yabang at poot. Sa pagsiklab ng mga ito’y wala siyang pinakikinggan kundi ang kanyang sarili. Ang nakikinig sa sarili ay wala ring bait sa sarili, kapatid ng sabi-sabi.

Sanay na ang militanteng mga pari (sa paniniwala) na sa bawat laban ni Digong ay may bawi’t paghingi ng paumanhin. Umay na rin ang mga pari sa “kakapaliwanag” ng mga disipulo ni Digong na di naman iyon daw ang nais niyang sabihin (pero sinabi na nga).

“I have separated from the US; so I will be dependent on you (China) for all time,” ani Digong. Kahit na anong pilipit ng paliwanag ng mga rah-rah ni Digong ay hiwalayan ang nais niya, walang “ganito,” walang “kesyo-kesyo.” Kung tatamaan ang ekonomiya dahil sa malulusaw na mga trabaho ay maghanda na lamang ang mahihirap, na wala naman talagang magagawa.

Ayon sa ilang maid sa Chinatown (Binondo) condos na natulungan ng Bandera noon, lalo na ng yumaong Pompeyo Navarro, malupit na amo ang mga Intsik. Bagaman walang bugbog-sarado, mas masakit ang kanilang araw-araw na panlalait, paninigaw at pagpapakain ng tasado’t walang sustansiyang pagkain, bukod sa kakarampot na suweldo at mahabang oras ng trabaho.

Kung mapupuno ng Chinese bosses ang Makati Business District, walang mananaganang Pinoy sa maliit na suweldo. May mga kompanya nang nagbibigay ng 14th, 15th, 16th month pay. Sa Intsik, 13th month lang yan; yung iba’y kalahati sa Hunyo, kalahati sa Disyembre, para naman hindi mabigla ang bulsa ni kabise. Bawal ding maglabas ng pera kapag Lunes.

Ang sabi ni Duterte ay itinayo niya ang “Iglesia ni Digong.” Ito ba’y kanyang irerehistro sa Securities and Exchange Commission, tulad ng ginawa ng ilang katao noong 1914? Sinu-sino ba ang mga palamura (rin) sa sumasamba sa Iglesia ni Digong? Nais kong makita ang listahan ng mga palamura dahil tutuntunin ko ang kanilang mga apo, apo sa tuhod at apo sa talampakan.

Apatnapung taon na ang nakalilipas nang kapanayamin ang kapatid ng lola ko sa US embassy sa Roxas blvd. Pinahirapan siya ng egoy at halos maihi. Hindi pinansin ang kanyang ambag sa WW2. Nagalit si Lola Taling at sinabi kay egoy na, “Hindi ko pala kaibigan ang Kano kahit na muntik na akong mamatay sa pagsapi sa guerrilla sa Balara. Ayoko na.” Pagkalipas ng dalawang taon paghihintay at marupok na ang mga buto, pinayagan na siyang makalipad pa-US. Pang-aapi.

Makikipaghiwalay ang Pinas sa Kano dahil malupit ito (ayon kay Digong at mga komunista). Pero, pararamihin naman ang mga Intsik sa negosyo, construction at minahan sa LuzViMin. Sa mga Chinese restaurants pa lang ay di na masaya ang mga Pinoy. May mamihang Intsik na ang mga kawaning Pinoy ay edad 40 pataas, na kahit suwelduhan ng kulang ay di magrereklamo dahil wala nang tatanggap sa kanila bunsod ng edad.

PANALANGIN: Jesus, tulungan mo akong pigilan ang aking sa sarili sa pagsasalita at pagkilos ng hindi nararapat kapag nakaramdam na ako ng galit. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit ganito na ang trapik sa Escario st., Cebu City? Alam naming pinabayaan kami ni Noynoy. Pinabayaan din pala kami ni Digong. …7789

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending