LABAN sa akin ang hindi panig sa akin. Malinaw ang pinili nila: shabu at marijuana. At kapag nahuli ay saka mananalangin at mangangalap ng panalangin para sa nakakulong. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gal 3:7-14; Slm 111; Lc 11:15-26 [o Gawa 1:12-14; Lc 1:26-38]) sa paggunita sa Mahal na Birhen ng Rosaryo.
Father Ranhilio Aquino: We must then admit that people, of their own volition, choose to be drug-crazed and indirectly will the criminal consequences of their drug-induced conduct. Droga o Diyos? Droga (demonyo), mismo.
Mas matalino si Jaybee Sebastian kesa mga college grads sa gobyerno at lehislatura. Nakita niya ang malaking papel ng North Korea sa droga kapag tropang China na ang Pinas. Hindi ang China ang pinakamalaking producer ng shabu sa buong mundo, kundi ang Nokor.
Nakababahala ang pagkiling ni Duterte sa China at Russia. Sina Duterte at Yasay ay walang alam sa foreign service, ang matandang kurso noong ’60s, para makapagtrabaho sa foreign affairs department, at maging consul, charges d’affaires, ambassador, atbp.
Nakababahala ang pananahimik ng simbahang Katolika sa pagkiling ni Duterte sa China. Di naman talaga kayang pigilan ng simbahan si Duterte sa pagkiling sa China, tulad ng di kaya ni Jesus ang pamamayagpag ng demonyo. Pero ang spiritual awakening sa mga Katoliko ay magbubunsod ng pagdarasal ng 90 milyon, at may awa na ibibigay ang Diyos.
Peke ang turing ng Vatican sa mga obispo sa China dahil ang mga ito ay itinalaga ng Communist Party at di kuwalipidong mahirang. Simula “pagkapari” ay wala na ang Espiritu Santo sa kanila, kundi ang partidong walang Diyos, na binaboy ang Cathechism of the Catholic Church, ang simula ng pag-aaral at pagsasadiwa sa mga turo ni Jesus.
Ang nakatatakot na magaganap ay kapag bumaha na sa bansa ang droga ng North Korea, papasok na ang mga sindikato ng Russia. Walang “visible North Korean drug syndicates” sa Europa. Pero, malupit sa mga pangunahing mga lunsod nito ang mga Ruso. Di sila cartel, pero sila’y EJKillers kung lumipol sa kumokontra.
Tatlong pulis-droga na ang napatay sa Bulacan. Ang dalawa ay pinatay ng sindikato, at ang isa ay may duda, na baka mismong kabaro ang nagpatahimik. Patuloy pa rin ang pagpatay sa mga tulak. Untouchable pa rin ang drug lord, na naglalagi sa Malolos.
Ang pagsabog ng mga tindahan at imbakan ng paputok sa Bulacan ay karaniwan nang nangyayari. Ang aksidente ay naiiwasan kung nag-iingat nga. Higpitan ang mga regulasyon. Kung ipagbabawal ang paputok sa buong bansa, babaha naman ang gawa sa China, na labis na ikinalugi ng fireworks traders sa Bulacan noong 2015.
Special treatment ang tingin ng mga bilanggo’t dalaw kay Mark Anthony. Hindi naman siya pa-patayin ng kaselda dahil wala naman siyang atraso. Ang pagdala ng sariling kutson at electric fan ang ikinaiinggit ng mga kosa. Kapag napunta ba sa Munti iyan ay bibigyan pa ng kubol na aircon?
May tinititigan at tinitingnan ang gobyerno pagdating sa tulak at durugistang artista. Malapit nang sumabog. Ang protektor nila ay lugay ang buhok. Pero, malayong sumabit ang napakalakas na lugay ang buhok. Kapag wala na si Digong sa poder ay lalabas ang napakahabang listahan ng protektado ng lugay.
PANALANGIN: Para sa mga nagdurusa at lumuluha sa gabing ito,
bigyan mo sila Panginoon ng katahimikan ng loob; pahinga sa kanilang mga dinadala. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit hindi hinuhuli ang rugby boys sa may gate ng North Cemetery? Kapag umuulan sa gabi ay nambabato sila ng mga kotse. Arnel de la Cruz …7732
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.