Komikero sa Palasyo | Bandera

Komikero sa Palasyo

Lito Bautista - September 16, 2016 - 12:10 AM

HINDI makapamumunga ng mabuti ang palamura at imoral. Ang kanilang mga kilos ay dahil din sa mga bagay na kanilang iniisip at sinasabi. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1 Cor 10:14-22; Slm 116; Lc 6:43-49), sa ika-23 linggo ng taon.

Nakakasa nang durugin ng mga Dutertista sa Kamara ang barangay. Aalisin ang mga kagawad. Sa barangay Greater Lagro at Pasong Putik, QC; North Caloocan at Southern Bulacan, maging sa Makati, ang mga kagawad ang pumupuna sa kapitan Mula sa ranggong kapitan, na-promote na ang mamumuno sa barangay: hari!

Sa tuwing eleksyon, ang pumapalit sa kapitan sa pamamagitan ng balota ay kagawad. Sa kokote ng mga Dutertista, walang mababa na papalit sa mataas na hari. O ang susunod na hari ay magaganap sa basbas ng mataas na hari?

Trapik sa EDSA’t Mabuhay Lanes. Matagal na yan. Ang bago: napagtanto ng Dutertista na maraming sasakyan ang isa o dalawa lang ang sakay, nakikipagsiksikan sa E-ML. Matagal ko nang sinasabi na mag-motor na lang, ganoon din naman ang bilang ng sakay, isa o dalawa. Sa DRT, Bulacan, 85-anyos rider! Tigas pa.

Ang exorcist na si Fr. Bobby de la Cruz ay naka-motor lang mula sa kanyang parokya sa Santo Nino de Tondo (Maynila) hanggang sa istasyon ng Veritas sa EDSA. Motor din ang gamit niya sa pagyaot kahit saan at sa pagtungo sa pinagdarausan ng exorcism.

Ang pagkakahuli ng mga pulis-NCR ng kanilang mga kabaro sa Northern Police District sa Caloocan ay patunay na kahit walang droga, “nakapaghahanapbuhay” pa rin ang mga tiwali. Matagal nang “gatasan” ang mga drug dealers, pero mas madaling manggatas ngayon.

Galit si Digong sa Amerika. Dapat rebisahin ni Digong ang pagkakahirang kay Jose Rizal bilang pambansang bayani. Si Rizal ay hinirang ng Kano. Pati ang paghirang sa pambansang bayani ay pinakialaman ng Kano.

Sa aking 42 taon sa pamamahayag (40 taon sa dyaryo, di kabilang ang campus journ), walang tatalo kay Francisco Tatad. Mga estudyante ang turing ko sa media bigshots ni BS Aquino. Pero, di ako nagpapatawa, mga komikero ang pakiwari ko kina Abella, Andanar at Panelo. Ipalit sa tatlong yan si Jesus Dureza, ang idol ni JoeCap ng Bandera.

Kung hanggang ngayon ay di kaya ng AFP na lipulin ang Abu Sayyaf, kabisote (mga ibon yan sa tabing ilog sa Makati noong 1958, na madaling siluin, di tulad ng matalinong maya) ang military strategists. Mas maraming perang panggastos sa operasyon ang Abu Sayyaf kesa AFP. Ang mga sundalo, sardinas de lata lang ang ulam sa gera, palyado pa ang mga baril.

Bibili ng baril ang gobyerno sa Russia at China, ang mass producers ng AK-47? Ang tibay ng bawat baril ay base sa tamang timpla ng bakal, na malalaman lamang pagkatapos ng 1,600 rounds. May mga bulok din naman na AK-47 sa Russia at China, pero pinapalitan lang nila ito ng bago dahil mass producers nga sila at ibinabalik lang sa tunawan ang palyadong armas.

PANALANGIN: Diyos ko, tulungan mo akong pigilan ang aking sarili sa pagsasalita at pagkilos nang di nararapat kapag nakararamdam na ako ng galit (salamat, Fr. Mar Ladra, ng Diocese of Malolos).

MULA sa bayan (0916-5401958): Sa nag-text sa inyo, di kasalanan ang umibig sa driver, iha. Ang kaso ang driver ni boss ay may legal wife, so kung ganyan ka rin, pati ikaw imoral. …6161

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang masarap magmahal ang driver. Minamaneho ka na sa itaas, kumakambiyo pa sa ibaba, at may dagdag-preno pa. Mae, Suarez, Iligan. …3498

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending