Tatlong araw bago ang “substitution deadline” ng COMELEC para sa presidential race, naging kontrobersyal ang “muling” interes ni Davao Mayor Sara Duterte na lumahok sa national elections. Nag-withdraw sa kanyang COC bilang mayor, nagbitiw sa regional party na Hugpong ng Pagbabago at pagkatapos ay nanumpa bilang miyembro ng Lakas NUCD. Kung hindi ako nagkakamali, mayroong […]
Ang pag-withdraw ng certificate of candidacy ni Mayor Sara Duterte bilang mayor ng Davao City nitong Martes ay nagbigay buhay muli sa usap-usapan at haka-haka na ito ay tatakbo sa pagkapangulo o vice-president sa May 2022 sa pamamagitan ng substitution. Kasama tayo sa maraming naghihintay sa November 15 upang malaman talaga kung sino ang tunay […]
Ako’y umay na umay na sa mga kwento tungkol sa mga nominees ng ilang partylist. Nilikha ang partylist law para katawanin ang mga tinatawag na “marginalized sectors” ng ating lipunan. Sila yung nangangailangan ng malakas na tinig sa paggawa ng batas para sa mga sektor na ika nga eh kapos sa kakayahang isulong ang kanilang […]
Mainit ang diskusyon ngayon sa petisyong ibasura ang kandidatura ni presidential aspirant Bongbong Marcos, anak ng pinatalsik na diktador. Mabigat ang 57-pahinang petisyon ng mga political detainees, at human rights advocates dahil “convicted” umano si Bongbong ng Quezon City Regional Trial Court sa kasong “tax evasion” noong 1995. Hindi siya nag-file ng income tax returns […]
Maingay ngayon sa social media ang pagkukumpara kina VP Leni Robredo at kay former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sila ang dalawang kandidatong pinaniniwalaan sa ngayon na may malaking pag-asa na manalo bilang pangulo sa May 2022 national election. Madaling maikukumpara ang dalawa dahil tubig at langis o puti at itim ang kanilang pinagkaibahan. Sabi […]
Habang papalapit ang panahon ng kampanya at mismong araw ng eleksyon ay parami-ng-parami ang pagkakaibigang nasisira dahil sa kanilang paniniwalang pulitikal. Minsan kahit magkakamag-anak ay nagbabangayan maipagtanggol lang ang kanilang mga napipisil na mga kandidato na isasabak sa halalan. Kada tatlong taon ay may eleksyon sa bansa na tinatawag na mid-term election kung saan pipili […]
Kung hindi magbabago ang tila malaking batong bumabagsak na “trending” ng COVID-19, halos tiyak nang mas masaya ang nalalapit na Pasko at Bagong Taon. Ayon sa mga eksperto, papalabas na tayo sa pandemya na halos dalawang taon tayong pinerwisyo. Ang dami ng mga bagong nahahawa ay bumulusok pababa at ang reproduction number ay nasa 0.52 […]
Si VP Leni Robredo ang presidential candidate “to beat.” Ito ay base na rin sa patuloy na pag-suporta dito ng mga tao sa iba’t ibang lugar ng bansa mula nang maghain ito ng certificate of candidacy noong October 8. Nakita ang lakas ni VP Leni noong Sabado nang magsagawa ng malawakan o isang nationwide caravan […]
Panahon na naman ng kampanya at masiglang mag-iikot ang mga pulitiko at mga supporters nila sa lugar na pasyalan ng mga botante. Maging ito’y sa loob o labas ng mga mall, sa panahon ng “commute”, sa komunidad at mga bahay-bahay natin. Lalapit silang lahat sa tao, makikipag-kamay, makikitagay, mamimigay ng giveaways, yayakap at kakarga […]
Mula ng sumiklab ang tinatawag na Pink Revolution sa social media noong October 7, matapos maghain ng kandidatura sa pagkapangulo si VP Leni Robredo, wala pa rin tigil at patid ang mga nagpapahayag ng suporta sa kandidatura nito. Ang social media (Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok at iba pa) ay binabaha pa rin hanggang ngayon ng […]
Talagang maiinis ka sa lumalalang pagkawasak ng ating “political party system” na ngayo’y nakabase sa “personalidad” ng kandidato, hindi sa kanyang plataporma o pangmahabang plano ng kanyang partido. Ang mga kandidato sa pagka- Presidente ay hindi nasasala sa mga tradisyunal noong “convention” o kaya’y matinding “selection process” upang mapili ang the best of the best […]