'Substitution' na garapalang pulitika, di gusto ng mamamayan | Bandera

‘Substitution’ na garapalang pulitika, di gusto ng mamamayan

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
November 12, 2021 - 07:49 PM

bongbong marcos sara duterte

Tatlong araw bago ang “substitution deadline” ng COMELEC para sa presidential race, naging kontrobersyal ang “muling” interes ni Davao Mayor Sara Duterte na lumahok sa national elections. Nag-withdraw sa kanyang COC bilang mayor, nagbitiw sa regional party na Hugpong ng Pagbabago at pagkatapos ay nanumpa bilang miyembro ng Lakas NUCD. Kung hindi ako nagkakamali, mayroong “placeholders” ang LAKAS-NUCD na nag-file ng kandidatura bilang president at vice president sa mga pangalang Ana Velasco-Lyle Uy.  Ito marahil ang gagamiting “substitution” para kay Inday Sara, sa alinmang pwesto.  Pero,may nagsasabing papasok siyang bise presidente ni Bongbong Marcos. Me nagsasabing  presidente talaga ang kanyang takbo at bahala na silang maglaban-laban ng iba pang  presidentiables..  Pero, lahat ay ispekulasyon lamang dahil sa Linggo pa magkakaalaman.

Ang maliwanag, parang ginawang katuwaan ng lang ng mga pulitiko ang “substitution” ng COMELEC. Sa halip na pamalit sa mga namatay, nabaldado, o kaya’y wala nang kakayanang kandidato, ito’y naging “political strategy” kung saan parang isinakay sa tsubibo ang mamamayan, at buong bansa.  Inutil kasi ang probisyon ng “substitution” at  hindi istrikto kung bakit dapat mag-withdraw ang kandidato. At tulad ng dati, nagsakayan sa balita ang mga  marurunong nating mambabatas at gustong amyendahan  na ito, pero siyempre, sila’y mga pulitiko rin.

Kung tutuusin, maliwanag na ang “substitution” ay isa nang “political strategy” na pakiramdam ko’y isusuka ng taumbayan. Kumita na ito noong 2016 kung saan nakasingit si Pangulong Duterte sa technicality, at ang kaibahan lamang , mayroon talagang “public clamor” noon sa pagbabago. Pero ngayong uulitin ito  sa paraang  lantarang “galaw-pulitika”, hindi malayong  magkaroon ito ng “backlash” sa araw eleksyon. Sabi nga, nagpapakipot pa,tatakbo naman pala.

Tandaan natin na ang panalo ng nagpapakipot din noon na si  Pangulong Duterte ay  naging “tsunami” ng mamamayan na makamit ang pagbabago. Wala siyang kasamang pulitiko o mayayamang “financiers”.  Katunayan, dalawa lang ang kongresista na pumanig sa kanya, pero dinala siya ng tao.  Ngayon, ang kanyang anak, si Inday Sara ay buhat-buhat at napapaligiran ng mga “pulitiko” na sinasabing magpapanalo sa kanya.

Pero, nakunsidera ba nila ang damdamin ng taumbayan?  Ayaw na po ng tao sa mga “pulitiko.  Ginawa nila ito noong 2019 elections nang ibasura ang mga trapo.

Kung hindi iyan nabasa ng kampo ni Inday Sara at Lakas Nucd, malaking sorpresa ang sasapol sa kanilang mga mukha.

guillermo eleazar

Retired PNP Chief Guillermo Eleazar,  dapat lang mag-senador

Kung merong nararapat kumandidatong senador ngayon, sobra-sobra ang kwalipikasyon ni  Gen. Eleazar. Bagamat nagsilbi lamang ng anim na buwan bilang PNP Chief sa ilalim ni Pangulong Duterte, ang kanyang serbisyo ay walang bahid at punong-puno ng mga accomplishments na nagbalik ng tiwala ng taumbayan sa pulisya. Isinulong niya ang “flagship reform agenda” sa PNP, na kung tawagin ay “Intensified Cleanliness Policy” na sinusunod ngayon hanggang sa “precinct level.”

Kahit noon pa mang pinuno siya ng Quezon City Police District, Region-4A, at NCRPO, binuksan niya sa media at taumbayan ang malinis, mabilis at walang itinatagong serbisyo. Kaya naman naging mabilis ang pagbaba ng crime index at tumaas naman ang bilang ng nalulutas na mga kaso.

Hindi ako magtataka kung tumakbo si General Eleazar bilang senador at mahalal sa Mayo 2022. Kung tutuusin dalawang ex-PNP chief ang nagtagumpay.  Nariyan sina outgoing senator at ngayo’y presidentiable Ping Lacson ganoon din  si Senador at PDP LABAN presidentiable Bato de la Rosa.

Snappy salute, General Eleazar and good luck!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending