HUMINTO ang mga mamamahayag noong Martes, habang tirik ang araw sa katanghalian. Katatapos lang ng breaking news na nagbabalita ng pagkamatay ni Press Secretary Cerge Remonde. Marami ang natulala’t nanghinayang. Natulala, dahil biglaan ang nangyari. Pumanaw agad si Cerge Remonde. Walang pagbabadya na siya’y mamamaalam nang ganoon kabilis, kadali. Biglang-bigla, patay na siya, Nakatutulala nga […]
TAYO na sa kanayunan, sa Poblacion Barangay 6 (Bliss), Taft, Eastern Samar (meron po kasing Bandera rito at may mga tagasubaybay tayo). Pinulsuhan natin ang kamalayan at kaalaman ng ilang residente, na karamihan ay mahihirap, maliban sa iilan na may dumarating na pera galing sa abroad.
SA kanyang nalalabing 10 araw sa bansa, mag-iikot si US Ambassador Kristie Kenney para personal na magpasalamat sa mga opisyal ng gobyerno at mga kaibigan sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanya. Maraming salamat din, Ambassador Kenney. Maaaring hindi tanyag si Ambassador Kenney sa Metro Manila (siya ang unang banyaga at ambassador pa ng pinakamalakas […]
GASGAS na yan. Sa tuwing nagtatapos ang taon ay palaging sinasabi ang pagbabagumbuhay. Magbabagumbuhay sa pagpasok at panimula ng Bagong Taon. Kung masama ang 2009, di sana natin aabutin ang 2010. Kung naging napakahirap ng buhay sa 2009, wala tayo ngayong bisperas ng Bagong Taon, naghahanda ng makakain mamayang hatinggabi, naghahanda ng mga paingay, naghahanda […]
MUKHA nga. Wa epek ang mga political debates na isinagawa noong Nobyembre at Disyembre. Pinanood, pinakinggan at binasa sa mga pahayagan. Pero, ang lumabas sa mga pahayagan ay hindi ang kabuuan, kundi ang tampok ng debate na iniulat ng reporter, base sa kanyang pasya na kailangang mailathala sa pahayagan. Bago magtapos ang Disyembre 2009, nangalap […]
PASKO na, sinta ko. May regalo ka ba? O ako na lang ang magreregalo sa iyo. Exhange gifts na lang tayo. Meron ba tayong exchange gifts? Sige maghahanap tayo. Bakay may mahanap pa tayo. Marami pa naman diyan. Malawak naman ang Metro Manila. Di bale nang wala tayong Christmas party. Yung mayayamang kompanya nga, ipinagpaliban […]
“MAMANG pulis! Mamang pulis! May hinohostage po sa may kanto!” sigaw ng bata nang makakita ng pulis pagkatapos ng kalahating oras na paghahanap sa alagad ng batas. “Nasaan siya ngayon? Ilan ba sila” “Naroon po siya sa may kanto, at isa lang po siya,”tugon ng bata, sabay turo sa may likuran, sa kanyang pinanggalingan, sa […]
NASAAN ang Diyos? Nakita mo ba ang Diyos sa Maguindanao? O, likas ngang walang Diyos? Sa tuwing namamayani ang kasamaan sa kabutihan, sa tuwing iginugupo ng simbilis ng kidlat ang kabutihan ng kasamaan, sa tuwing tinatakasan ng katinuan ang dapat sana’y nakaaalam (Hitler, Stalin, Lenin, Mao, Melosevic, Sadam, Ampatuan, atbp.), sumasagi sa isipan at itinatanong […]
SA labas ng Maguindanao, mas maiingay ang ayaw sa martial law kesa gusto. Bakit ganoon? Tahimik ang gusto at maiingay ang ayaw. Sa Maguindanao, gusto na nila ang martial law dahil nakapagsasalita na sila laban sa mga “halal” na opisyal na nagpahirap sa kanila. Gusto na nila ang martial law dahil nahuhukay na ang daan-daang […]
NAG-init ang ulo ng ilang heneral kahapon sa Maguindanao, na nagpapatupad ng martial law, sa nadinig na mga panayam sa radyo sa magagaling at pinagpipitaganang mga politiko na pinasusuweldo pa rin ng taumbayan pero mas mayayabang pa sa bumubuhay sa kanila. Maliban sa iilan (bukod tangi si Sen. Joker Arroyo na taliwas ang pananaw sa […]
KAKAIBANG martial law ang Proclamation 1959. Sa martial law ni Gloria, na idineklara lamang sa isang lugar na balewala ang buhay ng tao at wala nang gobyerno, malayang dumadakdak ang mga komunista, may trabaho pa ang mga mamamahayag (bukas ang lahat ng pahayagan, pati na ang hao shao, at mga istasyon ng radyo at telebisyon), […]