IBABALIK ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang lahat ng nagastos sa hospital ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease ( COVID-19) Ayon sa Philhealth, ire-reimburse nila ng buo ang lahat ng hospital bills ng mga pasyenteng may COVID. Saklaw nito ang mga pasyenteng na-confine sa hospital sa pagitan ng Pebrero 1 hanggang Abril 14,2020 […]
MAAARI nang gawin sa online ang personal appearance requirement o Activation of Pensioners Information Revalidation (APIR) hanggang Mayo 15, 2020 bilang konsiderasyon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Sinabi ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na hindi na kailangang magtungo sa tanggapan ng GSIS ang mga old-age at survivorship pensioners […]
APAT na Pinoy ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa New York at New Jersey sa America. Ito ang kinumpirma ni Philippine Consulate General Claro Cristobal ng New York. “Dito po sa New York at New Jersey, apat na po ‘yung kababayan natin na nasawi dahil sa COVID-19,” ani Cristobal. Nabatid sa naturang […]
UMAPELA si Senador Win Gatchalian sa mga private lending institutions na huwag nang patawan ng penalties ang mga mahuhuling bayad sa mga loan ng guro at iba pang kawani ng Department of Education (DepEd). Sa isang sulat noong Marso 20, pinaalalahanan ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn M. Sevilla ang mga kumpanyang bahagi ng Automatic […]
NASA 335 na Pilipino ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng bansa. Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang bilang ay mula sa 30 mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19. Idinagdag ng DFA na 220 ang kasalukuyan sumasailalim sa mga gamutan. Aabot naman sa 111 ang naka-rekober at nakalabas na ng […]
ISINULONG ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatayo ng mga pansamantalang mga pagamutan at isolation facilities sa bawat local government (LGU) sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus (COVID-19) sa bansa. Sinabi ni Gatchalian na hindi sapat ang kasalukuyang kapasidad ng mga ospital sa bansa upang tugunan ang pag-akyat ng mga kaso […]
TATLO pa ang nadagdag sa nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pasay City. Batay sa bagong tala ng Pasay City health office, umabot na sa 12 ang kabuuang kaso sa lungsod mula sa dating siyam na kaso. Samantala, umabot na sa 50 ang person under investigation (PUIs) at 115 naman person under monitoring (PUMs). Muling […]
TUMAAS ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Pasay matapos makapagtala ng siyam na kaso mula sa dating pitong kaso. Base sa inilabas na bagong datos ng Pasay City health office, pumalo rin sa 97 ang bilang ng mga person under monitoring (PUM). Samantala, umakyat na sa 49 ang person under […]
MAY libreng text at medical consultation sa Taguig City habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine. Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang Telemedicine, isang programa na pwedeng sumangguni ang mga residente sa mga doktor at medical workers ng kanilang pangangailangang medikal nang hindi na kailangang magtungo sa ospital o health center. Bukod sa 31 […]
BINATIKOS ni Senador Sherwin Gatchalian ang kabagalan ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga testing centers at importasyon sa mga testing kits para sa COVID-19. Tinukoy ni Gatchalian ang testing center na itinayo ng lokal na pamahalaan ng Marikina na hindi mabuksan dahil sa under evaluation pa ng DOH. Nauna nang […]
SWAK sa rehas ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng shabu at baril sa isang kalsada sa Makati City habang umiiral ang enhanced community quarantine. Kinilala ni Makati City Police Chief P/Colonel Rogelio Simon ang mga suspek na sina David Minadanao, 25, binata, ng 408 Anahaw st., Barangay Comembo, Makati City; Gerogie Navarrete, 21, ng 187-M 27th Ave., […]