APAT na Pinoy ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa New York at New Jersey sa America.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Consulate General Claro Cristobal ng New York.
“Dito po sa New York at New Jersey, apat na po ‘yung kababayan natin na nasawi dahil sa COVID-19,” ani Cristobal.
Nabatid sa naturang opisyal, na nasa 143,000 bilang ng Pinoy sa New York at 170,000, na karamihan ay mga immigrant.
“Nakakatanggap na tayo ng mga balita na ilan sa mga kababayan natin ang nasawi sa sakit na ito at ilang mga kababayan natin ang nasa ospital ngayon at inilalaban ang kanilang buhay,” ayon kay Cristobal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.