Mabagal na akreditasyon sa mga testing centers binatikos
BINATIKOS ni Senador Sherwin Gatchalian ang kabagalan ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga testing centers at importasyon sa mga testing kits para sa COVID-19.
Tinukoy ni Gatchalian ang testing center na itinayo ng lokal na pamahalaan ng Marikina na hindi mabuksan dahil sa under evaluation pa ng DOH.
Nauna nang sinabi ng DOH na pinoproseso pa nila para mabigyan ito ng akreditasyon.
Subalit ayon kay Gatchalian hindi dapat ituring ng DOH na kliyente ang lokal na pamahalaan ng Marikina na nag apply para mag operate ng laboratory kundi dapat itong itrato na partner sa paglaban sa nasabing virus.
Giit ng Senador hindi ang novel coronavirus ang papatay sa mga tao kundi ang red tape at kawalan ng sense of urgency ng DOH.
Ang kailangan umano ngayon ay ang mabilis na aksyon ng gobyerno para mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19.
Nagpaalala din si Gatchalian na maraming magugutom kapag hindi minadali ang gobyerno sa pagkilos nito para matigil ang pagkalat ng nasabing virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.