Personal appearance ng mga GSIS pensioners pwede na online
MAAARI nang gawin sa online ang personal appearance requirement o Activation of Pensioners Information Revalidation (APIR) hanggang Mayo 15, 2020 bilang konsiderasyon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na hindi na kailangang magtungo sa tanggapan ng GSIS ang mga old-age at survivorship pensioners na isinilang sa buwan ng Marso hanggang Abril at hindi pa nakapag-comply noong Marso 2020.
Idinagdag ni Macasaet na pwede na itong gawin sa pamamagitan ng email.
Ang liham na nagre-request ng activation ng status ay kailangang may date of request at detalye ng kumpletong pangalan, address, contact numbers ng mobile o landline at lagda, ayon kay Macasaet.
Dapat ay naka-attach din ang photo ng UMID o eCard Plus card o temporary card.
Kung hindi naman available, maaari din na litratuhan na lang ang dalawang valid Identification cards.
Kailangan ding may ‘chest-level photo’ na may hawak na diyaryong nakikita ang headline at date of publication, o kaya ay photo background na may TV news crawler na may current news headline at petsa na kasabay ng petsang nakalagay sa letter of request.
I-send ito sa designated email address kung saan nakatira: [email protected] (sa residente ng NCR kabilang ang Quezon City at buong lalawigan ng Rizal at Cavite); [email protected] (para sa taga North Luzon); [email protected] (para sa taga South Luzon;[email protected] (sa Visayas ) [email protected] ( para sa Mindanao).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.