NASA 335 na Pilipino ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng bansa.
Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang bilang ay mula sa 30 mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Idinagdag ng DFA na 220 ang kasalukuyan sumasailalim sa mga gamutan.
Aabot naman sa 111 ang naka-rekober at nakalabas na ng ospital kung saan apat na ang naitalang nasawi sa COVID-19.
Idinagdag ng DFA na tinatayang 202 bansa ang apektado ng COVID.
Samantala, tinatayang 10 milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang naninirahan at nagtatrabaho sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.