John Roson Archives | Page 41 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 41 of 149 | Bandera

4 dakip, P6.8M shabu nasabat sa buy-bust sa hotel

NAARESTO ang apat na hinihinalang big-time pusher at P6.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa isang hotel sa Maynila, Lunes ng hapon. Nadakip sina Talicop Saipoding Pumbaya, Mahdi Sodeit Salic, Maromaya Johary Mamocarao, at Sultan Saipoden Alnao, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency. Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA mula Calabarzon, […]

SAF trainee lunod sa swim test

NALUNOD ang isang pulis na trainee ng PNP Special Action Force (SAF), nang malunod sa kanilang pagsasanay sa paglangoy, sa Calatagan, Batangas, nitong Linggo. Nilapatan ng paunang lunas at itinakbo sa ospital si Patrolman Manny Jose Baldonado, ngunit di na umabot ng buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Si Baldonado, 27, ay residente […]

P218.4-M cocaine natagpuan sa Sorsogon

AABOT sa P218.4 milyon halaga ng cocaine ang narekober sa bahagi ng dagat na malapit sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes, ayon sa pulisya. Natagpuan nina Melvin Gregorio, Loubert Ergina, at John Mark Nabong ang iligal na droga sa loob ng 12 kahon, habang sila’y nangingisda malapit sa Brgy. Bagacay dakong alas-12 ng tanghali, aani Maj. […]

Trak, bus nagsalpukan: 2 patay, 50 sugatan

DALAWANG tao ang nasaawi at di bababa sa 50 pa ang nasugatan nang sumalpok ang trailer truck sa pampasaherong bus sa Atimonan Quezon, Lunes ng madaling-araw. Tatlong linggo lang bago ito’y nag-iwan ng tatlong patay at mahigit 70 sugatan ang salpukan ng isa pang bus at trak sa parehong bayan. Nasawi sa pinakahuling salpukan ang […]

Pedestrians inararo ng sasakyan: 2 patay, 3 sugatan

DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mabundol ng utility vehicle habang tumatawid sa bahagi ng Maharlika Highway sa Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi. Binawian ng buhay habang nilulunasan sa ospital sina Lito Leynes, 39, at Rosalinda Leynes, 63, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Sugatan naman sina Angelica Bazar, 18; […]

8 patay, 14 sugatan sa Abu Sayyaf attack

WALO katao, kabilang ang dalawang bata, ang nasawi at 14 pa ang nasugatan nang salakayin ng Abu Sayyaf ang mga tropa ng pamahalaan sa isang komunidad sa Patikul, Sulu, Sabado ng hapon, ayon sa militar. Kabilang sa mga nasawi sina Saiful Abdun, 1, at Jahida Usab, 12, sabi ni Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng […]

2 bus nagsalpukan: 20 sugatan

AABOT sa 20 katao ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang bus sa Sabangan, Mountain Province, Biyernes ng hapon. Kabilang sa mga sugatan si Blester Bing-il, driver ng GL bus (RMF-568), at si Dave Bangcado, driver ng Rising Sun bus (AYU-865), ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-5, sa Brgy. Supang. […]

Chief tanod na ‘rapist’ patay sa police ops

PATAY ang chief tanod na inirereklamo sa panggagahasa nang manlaban sa mga pulis na dadakip sa kanya sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Biyernes ng hapon. Napatay si Boyet Tuando, chief tanod ng Brgy. Citrus, ani Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police. Nagsagawa ng entrapment laban kay Tuando dakong alas-4:30, sa Bgry. […]

Intsik dakip sa P500K shabu

ARESTADO ang isang Chinese national nang makuhaan ng P500,000 halaga ng hinihinalang shabu, sa raid sa Urdaneta City, Pangasinan, Biyernes ng madaling-araw. Nadakip si Lui Bin sa tinutuluyan niyang bahay sa Dona Trinidad, Brgy. Camantiles, dakong alas-3, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Sinalakay ng mga tauhan ng iba-ibang unit ng pulisya, National Bureau […]

4 police trainee nag-jogging, nabundol, sugatan

SUGATAN ang apat na police trainee nang mabundol ng kotse habang nagda-jogging sa Baguio City, Huwebes ng umaga. Dinala sa ospital ang mga trainee na si Bret Tindunga, Chicky Faith Tennay, Chrisanto Lasbacan, at Christian Pumay-o para malunsan, ani Lt. Col. Carolina Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente sa Amistad Road, Camp […]

Suspek sa Coed rape-slay dakip

HAWAK na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay at umano’y paghalay pa sa isang graduating college student sa Lipa City, Batangas. Nadakip si Jorge Benedicto sa Victoria, Oriental Mindoro, pasado alas-5 ng hapon Martes, ayon sa ulat ng Lipa City Police. Isinagawa ng mga pulis mula Lipa at Victoria ang operasyon apat na araw […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending