PATAY ang anim na armadong lalaki nang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Pampanga, Huwebes ng umaga, matapos ang magkahiwalay na insidente ng panghoholdap sa lalawigan. Apat na suspek, nainaalam pa ang pagkakakilanlan, ang napatay sa shootout matapos umanong mangholdap ng convenience store sa bayan ng Apalit, ayon sa ulat ng Central Luzon regional […]
LUMUBOG ang isang bangkang pangisda matapos salpukin ng Chinese vessel sa West Philippine Sea, sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, Miyerkules. Inulat ng mga Pilipinong mangingisda ang insidente na naganap sa Recto Bank nitong Linggo ng gabi, sabi ni Lorenzana sa isang kalatas. Naka-angkla ang F/B Gimver 1 nang salpukin ng Chinese fishing vessel, ayon […]
ARESTADO ang isang drug suspect para sa pagpatay at paghalay pa sa isang grade 12 student sa Payatas, Quezon City. Nadakip si Elimond Domingo, 25, sa inuupahan niyang silid sa La Trinidad st., Group II, Brgy. Payatas B, alas-10 ng gabi Lunes, sabi ni Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., dirketor ng Quezon City Police District. […]
NASAWI ang isang lineman ng cable television matapos na mahulog at matuhog sa bakod, sa Urbiztondo, Pangasinan, nitong Martes. Nakilala ang nasawi bilang si Alfredo Racion, 21, tubong Puerto Princesa City, Palawan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente sa Brgy. Dalanguiring dakong alas-4:30 ng hapon, ngunit Miyerkules na ng madaling-araw nang […]
SAMPU ang patay samantalang marami ang sugatan nang araruhin ng isang trailer truck ang maraming sasakyan sa Davao City, Martes ng umaga, ayon sa pulisya. Sinabi ni Col. Alexander Tagum, city police director, umakyat sa 10 ang mga nasawi ngayong hapon matapos na pumanaw ang isa sa dalawang biktimang nasa kritikal na kondisyon na ginagamot […]
ARESTADO ang anak ng alkalde ng Gonzaga, Cagayan, nang mahuling nagbebenta ng shabu, sa buy-bust operation sa Tuguegarao City nitong Linggo, ayon sa pulisya. Nadakip si Jonjie Pentecostes, 44, anak ni Gonzaga Mayor Marilyn Pentecostes, ani Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley regional police. Si Jonjie ay isang high-value target ng pulisya, kabilang […]
WALO katao ang nasawi at 30 pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang jeepney sa isang bangin sa San Mariano, Isabela, Linggo ng gabi. Agad nasawi ang mga pasaherong sina Gina Magusib; John Lloyd Rivera, 14; Marilen Gammad, 57; Inez Tapaoan; John Lloyd Cadiente, 8; Carmelita Zalun, 54; at “Iring” Cleto, sabi ni Carlos […]
TATLO katao ang inaresto nang makuhaan ng aabot sa P6.8 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Vito Cruz, Manila, Lunes ng madaling-araw. Nadakip sina Rudy Kidlat, 20; Mark Anthony Alcantara, 32; at Rona Valenzuella, 37, ayon kay Maj. Gen. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office. Ang tatlo ay pawang mga […]
DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mag-karambola ang apat na sasakyan sa bahagi ng Maharlika Highway sa Casiguran, Sorsogon, Lunes ng umaga. Dead on the spot sina Elmer Jarque at Rammil Lareza, kapwa sakay ng isang motorsiklong kabilang sa mga nasangkot sa insidente, ayon sa ulat ng Bicol regional police. […]
DALAWANG tao ang nasawi nang masalpok ng bus ang sinakyan nilang tricycle sa bahagi ng Maharlika Highway sa Alaminos, Laguna, Miyerkules ng hapon. Dead on arrival sa ospital ang tricycle driver na si Sherwin Bagumba, 37, at sakay niyang si Sheryl Cabangal, 35, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Naganap ang insidente dakong […]
TATLO katao ang sugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang jeepney sa gilid ng bundok sa Itogon, Benguet, nitong Lunes. Dinala sa pagamutan sina Marilyn Madalang, 54; Jocelyn Parian, 34, guro; at Roxanne Nebaten, 36, para malunasan, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga, sa bahagi ng Baguio-Itogon road […]