Karambola: 2 patay, 3 sugatan | Bandera

Karambola: 2 patay, 3 sugatan

John Roson |June 10,2019
facebook
share this

Karambola: 2 patay, 3 sugatan

John Roson - June 10, 2019 - 03:29 PM

 

DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mag-karambola ang apat na sasakyan sa bahagi ng Maharlika Highway sa Casiguran, Sorsogon, Lunes ng umaga.

Dead on the spot sina Elmer Jarque at Rammil Lareza, kapwa sakay ng isang motorsiklong kabilang sa mga nasangkot sa insidente, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Sugatan naman ang tricycle driver na si Ricky Detecio, at mga sakay niyang sina Erma Detecio at John Ray Detecio.

Naganap ang insidente sa bahagi ng highway na nasa Brgy. Trece Martirez, dakong alas-4:20.

Minamaneho ni Ricky Detecio ang tricycle patungong Sorsogon City nang mabundol mula sa likod ng Mitsubishi Montero na dala ni Ruel Esmas.

Sa lakas ng impact, napalipat ang tricycle sa kabilang lane kaya iniwasan ng kasalubong nitong Grand Transport bus.

Habang umiiwas, nasalpok naman ng bus ang parating na motor, na minamaneho ni Elmer Jarque, ayon sa pulisya.

Dinala sa Sorsogon Provincial Hospital ang sugatang driver at mga sakay ng tricycle.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng Montero. Pinaghahanap pa ang driver ng bus, na mabilis tumakas matapos ang insidente. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending